(POV Eliana)
Maagap pa lang ay dumating na si Lance sa bahay nila Tristan. Pumunta kami sa underground cell kung saan andoon si Gwen. It seems that Gwen does not recognize any of us in her werewolf form.
"You mentioned that some of your family members have the same condition. Kamusta sila?" tanong ni Tristan kay Lance habang nasa tapat kami ng cell ni Gwen.
"They are like rabid wild dog. Five of them were affected and they can't recognize any of us as if they lost their humanity. Nasa Wales sila lahat, sa ancestral house ng mga Harrington."
"I found out that there are some werewolves in our family who are also stuck in their werewolf form. They think it is some sort of a mysterious disease. I am really worried specially for my sister."
"Tristan, this is the first time it happened to us. The First Heirs are all afraid that something dark will happen soon. I know you have a grudge at me, but I hope we can set that aside."
"Lancelot, kung ano man ang hidwaan natin noon, that is all in the past. Si Gwenevere lang ang pamilya ko dito sa Pilipinas. I really appreciate your help with my sister.."
"My pleasure, Your Majesty," nakangiti na sagot ni Lance.
Dahan dahan na nilapit ni Tristan ang kamay niya kay Gwen and without second thoughts, Gwen attacked her brother. Mabilis naman na nailayo ni Tristan ang kamay niya.
"Gwenevere is not here anymore. We are not facing a werewolf, but just a rabid wolf," sabi ni Tristan habang nakatingin sa kapatid niya.
I remained silent dahil dumudugo na ilong ko sa kaka English nila. Pwede naman kasi mag Tagalog, pero gusto nila mag English galore.
"Lancelot, my parents and most of the Erikssons are in Sweden. I need to speak with Eliana's parents about the wedding. She already turned once and I am scared that she might be stuck in a werewolf form kung hindi ko siya papakasalan. The sooner, the better."
"I understand, you need to prepare for the wedding soon. I can look after Gwenevere from here. I will be observing her for a while. I am researching about this condition, pero may pakiramdam ako na alam ng First Heir ang mga totoong nangyari. They just want to hide the truth to stop any panic," sabi ni Lance sabay bukas ng dalawang military looking rugged laptops sa ibabaw ng table. Kapag ganito kaseryoso si Tristan at si Lance, mukha nga silang three centuries old na tao.
"Sigurado ko na ba talaga, Elle?" tanong ni Lance sa akin habang nakaharap sa dalawang laptops.
"Ha? I am sorry, anong sabi mo?"
"Ang sabi ko, sigurado ka na ba na sa kanya ka mag papakasal? Sa akin na lang kasi, moody yan si Tristan eh. Wala sa vocabulary niya ang salitang harot at charot," biro ni Lance sabay kuha sa mga kamay ko at nilagay sa mukha niya. Sanay na ko sa mga ganitong gestures ni Lance dahil sweet naman talaga siya sa akin noon pa.
"Lance, ikaw din naman moody di ba? May split personality ka nga di ba?" sagot ko sa kanya as I pinched his cheeks.
Di mapigilan ni Tristan ang matawa sa sinabi. Mas kilala niya siguro si Lance sa akin dahil matagal na silang magkaibigan noon pa. Alam niya siguro na totoo ang sinasabi ko na may dual personality si Lance.
"Pero Elle, di naman kita paiiyakin. Etong si Tristan, marami na pinaiyak na babae dyan," bulong niya sa akin pero I am sure naman naririnig ni Tristan na katabi lang namin.
"Ikaw din naman, madami ka pinaiyak na babae ah?"
"Di ka niya mahal, Elle. Ako super loves kita."
Sasagot pa sana ko kay Lance pero hinawakan na ni Tristan ang braso ko at hinila palayo kay Lance as if saying na tapos na ang aming conversation.
"Lancelot, mahaba pa ang byahe namin, baka bukas pa kami makauwi. Ikaw muna bahala kay Gwenevere," sabi ni Tristan na kulang na lang kaladkarin ako pataas ng hagdan.
"Yes, Your Highness!"
"And if Eliana's parents will say yes, we will push the wedding right away. I will call you soon."
"Can't wait," nakangiti na sagot ni Lance.
"Bye Lance, ano gusto mong pasalubong?" sigaw ko sa kanya.
"Ikaw lang, masaya na ko. Andito lang ako kung magbabago ang isip mo," sigaw niya sa akin bago isara ni Tristan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Hombres Lobo[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...