(POV Eliana)
Nag stay kami sa Ibiza ng mga ilang araw, pero umuwi na din kami ni Tristan sa Sweden para mag start ng work ko. Ipinasok niya ko bilang isang low level employee sa Finance department ng company nila. Pagdating ko sa opisina, maraming pinoy ang nag welcome sa akin. It seems na maganda ang atmosphere sa company ni Tristan.
"Elle, ang swerte mo naman. Kasabay mo sa training period si Mr. Dimaculangan," sabi ni Sabrina na new employee din sa company at katabi ko ng station.
"Ha? Sino si Mr. Dimaculangan? Anong training period?"
"Ganito kasi yan, Elle. Pag bago ka pa lang dito sa office, nasa training period ka for one week. More on introduction sa company at sa mga ground rules. They will explain your pay and your benefits, mga ganun. At madalas mong makakasama yung ka batch mo."
"Sino nga si Mr. Dimaculangan?"
"Grabe, Elle. He is so hot. Shoulder length hair at sobrang masculine. Marunong mag Tagalog na may bahagyang accent, very sexy. Naku, papayag ako na malahian ng ganung klaseng lalake."
Shoulder length hair? Masculine? Sexy? These words perfectly describe my husband.
"Baka naman gay? Madalas di ba pag hot at sexy, gay yun?"
"Maglalaslas ako ng pulso pag gay siya. Nakita ko siya kanina sa reception area, bagong employee lang daw. Ayan na siya, papunta dito. Hinahanap ka na ata for your training," mabilis na sabi ni Sabrina na biglang umupo sa upuan niya.
Pag angat ko ng ulo, nakita ko Tristan na papalapit sa akin.
"Ms. De Vera?" sabi ni Tristan sa akin paglapit niya sa station ko.
"Yes?"
"I will be your colleague during your training period," sagot niya sa akin, but he is staring at me as if giving me a warning not to say anything.
Ibig sabihin, sineryoso niya yung usapan namin noon na sasamahan niya ko sa office?
"Ikaw si Tristan Dimaculangan?" tanong ko sa kanya at di ko mapigilan ang matawa.
Kung di ko pa tinakpan ang bibig ko, malamang humalakhak na ako sa kakatawa. Tumango lang siya sa akin, but he is looking at me with his piercing gaze. If he is good actor, ako naman ay walang kwentang artista dahil kulang na lang at tumambling ako sa pagkarinig ko sa last name niya.
"I am Eliana De Vera, pleased to meet you, Mr. Dimaculangan," nakangiti kong sabi sabay bigay ng kamay for a handshake.
"Payroll Team wants to talk to us. Follow me," seryosong sabi ni Tristan.
Nakasimangot si Tristan at halatang hindi natutuwa dahil pinagtatawanan ko siya. Di niya ko kinakausap na parang strangers kami.
"Huy, wait lang. Ang bilis mo naman maglakad, Mr. Dimaculangan. Dahan dahan lang," natatawa ko pa rin sabi habang papunta kami sa elevator.
"Ang bagal mo, bilisan mo."
"Ano nga palang work mo, Mr. Dimaculangan?" namumula kong tanong dahil sa kakatawa.
"I am in Facilities Department, site engineer. You can stop calling me with my fucking last name," inis na sagot ni Tristan as he entered the elevator.
"Suplado mo naman, Mr. Dimaculangan. Can I call you Mr. Dimaculs or Mr. Culang?"
"Not funny, Mrs. Eriksson."
Umakyat kami ni Tristan ng ilang floors at pumasok sa isang conference room. May dalawang babae from Payroll Team ang nagsimula na mag discuss about sa pay namin. Si Tristan naman ay tahimik na nakikinig na parang isang interesadong empleyado.
Mapagpanggap din pala itong lalaking ito! Company mo kaya ito! Malamang alam mo na ang payroll rules!
After ng Payroll Team, may ilang employees from HR at sa iba pang department ang nagsimula mag discuss about sa policy ng company. Hindi din nakalagpas sa akin ang isang babae from Employee Relations Team na malagkit tumingin kay Tristan. Obvious naman na type niya ang lalaking katabi ko.
"Tristan, you are a Filipino right?" maarteng tanong ng babae after matapos ang meeting namin with HR Team.
If I am not mistaken, senior Employee Relations officer na siya. She probably thinks na tenured na siya dito sa office at mas mataas ang posisyon sa amin.
"Half Swedish, half Filipino," sagot agad ni Tristan with his killer smile.
"Busy ka ba later? Would you like to join me for lunch?" direct to the point na tanong niya kay Tristan.
Excuse me? Join you for lunch? Masyado ka atang aggressive ate?
"Leila, I have already asked Ms. De Vera here to join me for lunch. Maybe next time?"
"Next time would be great. I believe you have my number. Call me whenever you like," sabi ni Leila with her seductive voice sabay labas sa conference room.
"Next time? Anong next time sinasabi mo, Tristan?" tanong ko sa kanya nang lumabas lahat ng HR officers dahil lunch time na.
"Bawal ba akong makipag lunch sa ibang babae dito? Di ba single ako habang andito?"
"Mr. Dimaculangan, sinusubukan mo ba talaga ko?"
"Eliana, idea mo ang kalokohan na ito. Sinusunod lang kita. Di ba ikaw ang may sabi na dapat wala din may alam na asawa kita dahil ayaw mo ng attention ng ibang empleyado?"
"Malay ko ba na seseryosohin mo na papasok ka din dito!"
"Eliana, lunch lang naman ang hinihingi ni Leila. I am still married to you. I won't touch her or have a date with her outside the office."
Seriously? May balak talaga siyang makipag lunch kay Leila?
"Talagang decided ka makipag lunch date dun sa babaeng yun? Pero sige, dahil gusto mo ng ganitong laro, pagbibigyan kita. Let's play a game."
"Sounds challenging. What game are we exactly going to play?"
"Simple lang, Tristan. Do whatever you like and I will do whatever I like. Of course, may limits dahil kasal pa din tayo. Ang unang sumuko, loser!"
"If I win this game, gagawin mo lahat ng sasabihin ko. If you win, name it, I will do anything."
"Trust me, Tristan. Ikaw ang unang susuko."
"Is that so? I am so scared, Eliana," natatawa niyang sagot sa akin.
Di ko na sinagot si Tristan at lumabas na ako ng conference room. Sinundan niya lang ako and this time, siya na ang tumatawa, hindi ako.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...