chapter 1

1.1K 64 97
                                    

CHAPTER 1

SOBRANG perfect ng lahat at hindi masukat ang sayang nadarama ni Nejla. Dahil ang araw na ito'y isang espesyal na araw sa buhay niya at sa taong mahal niya.

Hindi sukat akalain ni Nejla na magiging ganito siya ka saya. Nakatingin siya sa malaking simbahan na nasa harap niya at gusto niyang buksan na agad ang pinto ng simbahan upang makita kong gaano ka gwapo ang mapapangasawa. Napangiti siya ng maisip kong anong itsura ng mapapangasawa niya. Sigurado siya na perfect itong tingnan habang nakasuot ng damit pang kasal.

Nang lumapit sa kanya ang wedding planner nila at nagsabi na kailangan na niyang tumayo sa saradong pinto ng simbahan ay dumoble ang lakas ng tibok ng puso niya, na animo'y may mga kabayong nagkakarera sa loob ng puso niya.

Pero hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Nang magbukas ang pinto ng simbahan ay gusto niyang maiyak dahil sa sobrang excitement. Pakiramdam niya ay perpekto na ang lahat at naghihintay sa kanya ang groom sa altar. Gusto niyang tumakbo para makita ito agad, sinalubong siya agad ng ama at ina at niyakap siya ng ina na umiiyak.

"Ikakasal na talaga ang baby ko" maluha-luhang sabi ng ina ni Nejla, niyakap niya ito ng mahigpit alam niyang prinsesa ang turing nito sa kanya at ayaw nitong malayo siya sa kanila pero, nahanap na niya ang taong kabiyak ng kanyang puso. Malungkot man siyang malayo sa kanila pero, sobrang saya din siyang makakasama na niya habang buhay ang taong mahal niya.

Nagsimula na silang maglakad papunta sa altar at kita niya ang ngiti ng mga tao, dahil alam na nitong sasimbahan talaga ng tuloy nila ni Draniel Yatt. Dahil bata pa lamang ay magkakilala na sila ni Yatt dahil magkaibigan ang mga magulang nilang dalawa kaya kilalang kilala na nila ang isa't-isa at tinagurian silang perfect couple sa lugar nila.

Nang tingnan ni Nejla ang mga kaibigan at pamilya nila ay matatamis na ngiti ang nakikita niya. Nang nasa kalagitnaan na siya sa taong mahal niya at tiningnan niya ang taong naghihintay sa dulo ng aisle. Napaka gwapo nito sa suot na damit bagay na bagay sa kanya. Nakatingin ito sa kanya habang papalapit siya dito hindi na nga niya napansin na may mga tao pala sa paligid niya dahil ang atensyon niya ay na kay Yatt lang. Seryoso itong nakatingin sa kanya.

Hindi niya napansin na tumutulo na pala ang luha niya, matagal na niyang pangarap na maikasal sa simbahan na ito at sa taong mahal niya na walang iba kong di si Yatt lamang. Mula yata nang magkaisip siya ang pangarap lamang niya ay mahalin si Yatt ng buong puso at kaluluwa.

Nang makalapit sila sa altar ay hinawakan ng kanyang ama ang kamay ni Nejla at humarap ito sa kanya.

"Our baby is getting married, I love you anak" niyakap siya ng mahigpit ng ama at ganoon din ang ginawa ng ina niya, pagkatapos tinapik ng kanyang ama ang balikat ni Yatt. Nang umalis ang mga magulang ni Nejla ay hinawakan ni Yatt ang mga kamay ni Nejla, seryoso siya nitong tiningnan sa mata.

"I'm sorry" Biglang sabi ni Yatt kay Nejla. Hindi niya alam kong ano ang ibig nitong sabihin.

Para siyang lumulutang sa ulap ng binitawan nito ang kanyang kamay at tumakbo palabas ng simbahan ang lalaking pakakasalan niya sana. Nanlaki ang mata niya at nag-unahan ang mga luha niya sa mata, nang pumasok sa utak niya ang dahilan kong bakit ito nag sosorry sa kanya. Pinilit niyang habulin si Yatt. Gusto niyang marinig ang rason nito kong bakit niya ito ginagawa sa kanya. Nanlalabo ang paningin niya at wala na siyang pakialam kong anong itsura niya sa ngayon, ang gusto lamang niya ay mahabol si Yatt. Nakita niya itong sumakay ng sasakyan niya kaya mas binilisan niya ang pagtakbo.

"Babe, why are you doing this? Why are you doing this to me?"* sob* Sumisikip ang dibdib niya habang nakatingin sa papalayong fiance.

Kahit umiiyak ay nasabi niya parin ito ng klaro, sobrang hinanakit ang laman ng mga salita niyang iyon. Akala niya ay kilala na niya ang taong nasa harap niya pero nagawa parin siya nitong talikdan. All this years na magkasama sila ay hindi man lang niya nalaman na may balak pala itong iwanan lamang siya sa harap ng altar at mga magulang nito. Sa sampung taong pagsasama nila ay mahal na mahal nila ang isa't isa.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon