Chapter 6
NAGISING si Nejla sa tunog ng alon sa dagat, ngayong araw niya balak libutin ang ang isla para pagmasdan kong gaano ito ka ganda.
Bumangon siya at naligo. Matagal siyang nakababad sa bathtub at ninamnam ang pagdampi ng maligamgam na tubig at mabangong halimuyak ng mga bulaklak na nasa tubig. Gusto niyang irelax ang sarili.
Pagtatapos maligo ay inayos niya ang sarili. At lumabas ng cabin niya
Bumungad sa kanya ang ganda ng dagat ng lumabas siya ng cabin. Sumalubong sa kanya ang malamig hangin ng umaga, Alas singko palang ng umaga kaya wala pang masyadong tao na naglalakad sa labas.
Tahimik niyang tinahak ang restaurant na naroon.
Nang makapasok siya ay umorder agad siya ng kape at pancake. Sa labas siya ng restaurant umupo habang hibihintay ang order niya. Masyado pang maaga kaya kakabukas palang ng mga tindahan. Maswerte nga siya at may isang restaurant na bukas na ng ganito kaaga.
Nilibot niya ang paningin sa buong paligid.
Hindi pa masyado sumisikat ang araw at maaring ang ibang nagbabakasyon dito ay tulog sa ngayon. Pero, Siya hindi na magawang matulog. Marami kasi ang laman ng isip niya.
"Here's your order ma'am, Enjoy your meal po" Nakangiting sabi ng waiter na nagbigay sa kanya. Isang ngiti lang ang ibinigay niya dito. At magsimulang kumain. She likes the feeling kahit mag isa lang siya at walang kasama. Parang okay lang sa kanya. Gusto niya ang ganito walang maingay na nakasunod sa kanya at nagagawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Naranasan niyang kumain mag-isa, Dati natatakot siyang mawala sa feeling ni Yatt. Kasi hindi niya alam kong paano mabuhay ng wala ito. Basta kasama na niya ito feeling niya safe siya at kaya niyang gawin lahat. At ngayong wala na ito. Sinisimulan niyang mabuhay mag-isa, Kumain mag-isa na hindi hinahayaan ni Yatt na gawin niya dati dahil palagi itong nasa tabi niya. Hindi siya hinahayaan na magpalipas ng gutom. Kasi palaging pinapaalala sa kanya ni Yatt na palaging kumain ng tama sa oras.
Tinapos niya ang pagkain at nagsimulang maglakad ulit sa dalampasigan. May nakikita pa siyang mga kabebe sa gilid ng dagat.
Tinanaw niya ang isang maliit na isla na nasa gitna ng dagat. Napaka payapa talaga ng resort na to, At sobrang ganda wala ka man lang ipipintas. Makikita mo na hindi nila pinabayaan ang lugar na ito.
May bundok din na makikita sa resort.
Wala pang taong naglalakad sa dalampasigan. Naupo siya at pinagmasdan ang mga ibon na lumilipad sa dagat. Sana kalagitnaan siya ng pamumuni-muni.
"Excuse me ma'am, Good morning po." Napalingon si Nejla ba babaeng tumawag sa kanya. Nakasuot ito ng uniform ng resort.
"Yes, Good morning" Ngumiti naman sa kanya ang babaeng staff ng resort.
"Would like to inform you ma'am na 7 a.m po magsisimula ang mga activities ng resort. Baka gusto nyo pong pumunta. Just inform us kong gusto nyo po para masama po namin kayo sa booking" Magalang na sabi nang babae.
"Ahm.. Yes, Sasama ako" tumango ang babae.
"Okay po ma'am, Ano po pala ang pangalan nyo ma'am at saang cabin para masundo po namin kayo don."
"Nejla Velarde, Cabin 9" Agad naman sinulat ng babae ang sinabi niya.
"Ito po yung mga activities na available ma'am, Para po kong ano po yung gusto niyang itry." May binigay sa kanya ang babae na magazine para yata sa lahat ng information tungkol sa resort.
"Okay, Thank you." Sabi niya sa babaeng staff. Medyo yumuko naman ang babae bago umalis.
Tiningnan niya ang magazine na hawak. May iba't ibang water activities ang nakasulat gaya nang, Parasailing, kayaking, banana boat, diving, surfing at jetskie na pwedeng sakyan at kung anu ano pa. May mga portable play group na pwedeng mag laro ang magpapamilya at magkaibigan. May camping at Mountain climbing din. May island hopping din.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...