chapter 5

458 46 25
                                    

Chapter 5

NAKASANDAL si Nejla sa upuan ng bus, Naghihitay siyang umalis ang bus sa terminal nito. Hindi niya kabisado ang pupuntahang lugar basta ang alam lang niya ay gusto lang muna niyang lumayo ng walang destinasyon. Matagal na niyang pangarap ang bumyahe mag-isa at ngayon lamang niya magagawa ito. Nagpaalam na siya sa magulang. Napapayag naman niya ang mga ito, Dahil ginagawa niya ito para sa sarili. Isang linggo lang naman ang balak niyang mag bakasyon. Hindi naman ganoon katagal yun. Ang gusto lang niya ay makalimutan ang lahat ng sakit na nasa puso niya.

Umaasa na sa pagbabalik niya ay kaya na niya. Kaya na ng puso niya na lumaban ulit.

Pinikit niya ang mata at sinalampak sa tenga ang earphone. Dahil alam niyang ilang oras palang ang byahe kaya kailangan niyang mapahinga. Ilang sandali pa ay umandar na ang bus na sinasakyan.

May dala siyang back pack. Nagdala nadin siya ng pera na sasapat para sa isang linggo niyang bakasyon.

Sariwa parin sa utak niya ang lahat, Lahat ng ngiti at tawa ni Yatt. Kong paano ito magsabi ng mahal siya nito, Ang yakap na nagpapaginhawa ng loob niya. Ang gwapong mukha nito na gusto niyang makita araw- araw.

Ang palagi nilang paglabas. Na akala niya ay wala ng katapusan. Kinagat niya ang labi at pinigilan ang pagtulo ng luha niya sa mata, Nasa bandang likod siya na bahagi ng bus. Kaya maaring walang makapansin sa kanya kahit umiiyak pa siya. Pero, Ayaw na niyang umiyak ng umiyak. Kaya lang hindi niya mapigilan ang sarili. Minulat niya ang mata at bumuntong hinga.

Kung may pwede lang siyang gawin para mawala na sa isipan niya ang lahat ng pangyayaring yun sa buhay niya ay ginawa na niya. Hindi siya galit kay Yatt. Alam niyang may rason ito, Maaring sa una ay nagalit siya sa pag iwan nito sa kanya pero. Ngayon alam niyang may rason ito kong bakit niya ito ginagawa. Alam niya at sana tama ang nasa isip niya na may rason nga si Yatt kong bakit niya ginagawa ito sa kanya.

Ang daming nasa isip niya na gusto niyang itanong kay Yatt. Maraming katanungan na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan. Kong bakit ito umalis? Bakit bigla nalang nagbago lahat sa isang iglap lang? Bakit? Ang daming bakit na hindi niya mabigyang linaw.

Napansin niyang palabas na ng lungsod ang sinasakyan niya. Ang nakikita nalamang niya sa daan ay mga puno. At nakakagaan yun ng pakiramdam.

Huminto ang sinasakyan niyang bus, May sasakay yata. Nadako ang mata ni Nejla sa magkasintahan na magkahawak ang kamay na pumasok sa loob ng bus. Dumeretso ito papunta sa pwesto niya. Nakita niya kong paano alalayan ng lalaki ang babae na makaupo sa upuan ng bus.

Narinig niyang tinanong ng lalaki kong komportable ba ang babae sa pagkakaupo.

Ganyan na ganyan ang sila ni Yatt dati. He always make sure that she's okay. Pero, ano ang nangyari ngayon.

Umiwas siya ng tingin sa katabi at humarap nalang sa labas ng bintana.

Kahit pala gaano katagal munang kilala ang isang tao. Hindi mo parin masasabi kong ano ang takbo ng utak nila. Hindi mo malalaman kong kailan ka nila iiwan sa ere.

"Miss are you okay?" Napalingon siya sa katabing babae, Maamo ang mukha nito at bakas sa mukha na masaya ito. Maganda ang babae at mukha namang mabait.

"Y-yeah." Napatingin din sa kanya ang lalaking kasama nito,

Isang tipid lang na ngiti ang binigay niya sa dalawa. At muling binalik ang tingin sa labas.

ANIM na oras din ang naging byahe bago makarating sa gusto niyang puntahan. Hindi niya kabisado ang lugar pero, Balita niya ay maraming lugar dito ang pwedeng puntahan. Nang makarating sa terminal ang bus ay agad siyang bumaba. At nagtanong kong saan ang pwedeng mag stay ang mga turista na kagaya niya. Naituro sa kanya ang isang resort na maganda daw.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon