CHAPTER 15
PINAGMASDAN ni Nejla si Ford at ang ama niya na nag-iihaw ng isda at mga karne. Silang dalawa naman ng Mama niya ay nag-aayos ng Mesa nila na nasa labas ng bahay nila.
Gusto kasi ng magulang niya na hindi maging pormal ang dinner nilang pamilya. Dahil gusto ng pamilya niyang makilala si Ford. At hindi naman yun pinagkait ni Ford dito.
Masaya itong nakikipag kuwentuhan sa mga magulang niya at ngayon nga ay nakikipagtawanan sa Papa niya.
"Sa tingin ko mabait naman pala siya."napalingon siya sa Mama niya ba may dalang adobo na specialty nito.
"Mabait naman siya Ma." Napangiti ang Mama niya.
"I'm happy that you are happy." Parang naluluha pa na sabi ng Mama niya.
"Ma naman, Of course I'm happy." Napalingon sa gawi niya si Ford at nginitian siya nito. Yung totoong ngiti kaya nakahinga siya ng maluwag. Dahil akala niya ay hindi ito mag-eenjoy kasama ang pamilya niya.
"Kapag nakikita ko ang batang yan dati sa mga events. Palaging nakakunot ang noo at madalas ay tahimik lang." Natatawang sabi ng Mama ni Nejla. Ford is always like that, Aloof. At nagpapasalamat siya na hindi ito ganoon sa pamilya niya.
"Nakakasama na ba natin siya dati sa mga parties? Hindi ko po kasi matandaan na nagkita kami dati?" Sabi ni Nejla. Sabagay madalas hindi naman kasi siya nagpupunta sa mga parties. Kasi ang buhay niya ay umikot sa isang tao lang.
Lumapit na sa kanila ang Papa niya at si Ford. Nilapag na nito ang mga inihaw nito sa mesa.
"Okay let's eat!" Masiglang sabi ng Papa niya. Magkatabi sila ni Ford at ang mga magulang niya ay nasa harap nilang dalawa.
Nilagyan niya ng kanin ang plato ni Ford.
"Kumain kana," sabi niya. Masaya silang nagkukuwentohan habang kumakain.
"Ang galing nyo pong magluto tita. Si Mommy kasi walang talent sa pagluluto" Namula yata ang mukha ng Mama ni Nejla dahil sa papuri ni Ford.
"Naku! ikaw naman Ford! Hindi pa nga masyadong masarap ang mga yan" Natatawang sabi ng Mama niya. Napairap na lang si Nejla. Nataranta na nga ang Mama niya kanina sa pagtikim kanina sa luto nito para daw masarap at baka ma disappoint si Ford.
"Really ma?" Sinimangotan lang siya ng Mama niya.
"Sobrang sarap po Tita." Mukhang tuwang-tuwa naman ang Mama niya dahil sa compliment na binigay ni Ford.
"Kamusta na pala ang papa mo? Hindi ko na nakikita 'yun eh. Siguro busy?" Biglang tanong ng Papa ni Nejla kay Ford.
"Ahm.. Yes, Tito. Sobrang busy nga po eh. Kaya madalas wala siya sa bahay." Sabi ni Ford habang umiinom ng tubig.
"I see, Pero. Dapat may oras pa rin sa pamilya. Kahit busy tayo sa trabaho. Itong asawa ko kapag hindi ako nakauwi dito kahit isang araw, Bugbog ang abot ko!" Natawa na lang sila ni Ford ng subuan ng adobo ng Mama niya ang bibig ng Papa niya.
"Grabe ka! Kasi naman namimiss kita kaya ganoon!" Naglalambing naman na yumakap ang Papa niya sa Mama niya.
Tumikhim naman siya.
"Hello, May tao po rito!" Sarkastikong sabi ni Nejla. Pinandilatan naman siya ng Mama niya.
"Bakit sa paglalambingan naman namin ang dahilan kaya nabuo ka ah?" Napapikit na lang si Nejla.
"Ma! Nasa mesa tayo, At may nakakarinig na iba!" Nakasimangot na sabi ni Nejla. Mas lalo naman siyang pinandilatan ng Mama niya.
Nilingon niya si Ford at nakangiti ito habang nakatingin sa mga magulang niya. Kita niya ang ingit sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...