Chapter 12GULONG-GULO si Nejla dahil sa araw ng magkahalikan sila ni Ford sa condo niya.
Hindi nakasagot si Nejla sa sinabi ni Ford. Kaya bigla itong umalis sa condo niya. At hindi na sila nagkita pa.
Hiyang-hiya siya sa sarili dahil sa hindi pagpigil kay Ford na halikan siya. At naiinis siya dahil parang nagustuhan niya pa 'yun!.
Napahilamos siya ng mukha. Namula siya bigla ng maaalala ang nangyari.
How come she like that kiss? Nababaliw na nga yata siya. Palabas na siya ng condo niya at nasa loob siya ng elevator at hanggang ngayon ay nababaliw pa rin siya sa kaiisip ng halik na yun. Para siyang teenager na nakuha ang first kiss!.
Halos mahulog ang puso niya ng may tumawag at rumehestro doon ang pangalan ni Ford.
"H-hello?" Nagkanda buhol-buhol pa ang dila niya ng sagutin ang tawag.
"I will pick you up" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ni Ford. Bakit siya susundin ng lalaki?
Bago paman niya matanong ay mag humablot ng braso niya at nakita niya si Ford.
"Can we talk?" Iwan ba ni Nejla at bigla yata siyang nailang ng makita si Ford sa harap niya. At kailan pa siya nailang kay Ford? Pakiramdam niya ay gusto niyang tingnan muli ang sarili sa salamin kong maayos ba ang kanyang mukha.
"A-ano pag-uusapan natin?" Kinagat niya ang dila pagkatapos magsalita.
"Let's have breakfast first" nauna na itong maglakad sa kanya. Sumunod na lang si Nejla. Nang makarating sila sa sasakyan ni Ford.
Naunang pumasok si Ford. Sumunod naman agad si Nejla. Napasulyap pa si Nejla kay Ford. Hindi ito nakatingin sa kanya at para bang may malamin na iniisip. Habang nagmamaneho ay nakatingin lang si Nejla kay Ford.
Iniisip niya kung ano nga ba ang gusto nitong pag-usapan.
"B-bakit pala gusto mong makipagkita sa akin?" Doon lang nagbigay ng pansin si Ford ng magsalita si Nejla.
"About the thing that I told you, I'm serious about it. " Biglang napaubo si Nejla dahil sa narinig. Nawalan yata ng hangin ang dibdib niya dahil sa sinabing ito ni Ford.
"B-but.."
"Let's give it a try" Nablangko yata ang utak ni Nejla at hindi niya alam kong anong isasagot niya kay Ford.
"H-hindi ba masyadong mabilis ang gusto mong mangyari?" Inihinto ni Ford ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"It doesn't matter how long we know each other. Let's just give it a try" Nararamdaman ni Nejla na seryoso talaga si Ford sa mga sinasabi nito. She can see it in his dark eyes. Nakatitig ito sa kanya, Napalunok siya.
"W-what if... W-what if hindi magwork?" Nakatitig pa rin kay Nejla si Ford.
"Then it didn't work" Natatakot si Nejla, alam niyang hindi pa siya handang pumasok sa relasyon. Ang kalalabasan non ay ginagamit lang nila ang isa't isa para makamove on. Ang nasa isip niya kung ang maging kalabasan at maging worse pa ang sitwasyon nila?
"I might hurt you, You might hurt me"
"Then let's hurt each other, Simple" may sayang nakikita si Nejla sa mga mata ni Ford.
"Baliw ka talaga, Bakit mo naman naisip na maging tayo?" Umayos ng upo si Nejla dahil hindi niya matagalan ang titig ni Ford sa kanya. Ganoon din naman ang ginawa ng lalaki umayos ng upo at sumandal sa upuan. Nakahawak pa rin sa manubela ang mga kamay nito.
"I don't know," Napalingon si Nejla kay Ford.
"So, Naisip mo lang?" Tumango lang si Ford. Wala naman lang itong tinago.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
Fiksi Umum"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...