Chapter 35

314 19 44
                                    

Chapter 3

PINAGHAHAMPAS ni Nejla si Ford dahil hanggang ngayon kasi ay nakahiga pa rin ito sa kama.

Hindi siya pinansin ni Ford at tumagilid lang ito sa kabila.

Tanghali na at nakahiga pa rin ito. Nag-usap sila na mamasyal ngayon at mukhang nakalimutan nito.

Nakapasok siya sa condo ni Ford dahil alam naman niya ang passcode nito.

"Ano ba! Bumango ka na nga!" Hinila niya ang kumot ni Ford. Wala naman itong pakialam kaya tumambad sa kanya ang katawan ni Ford na boxer lang ang suot.

Napatitig siya sa likod ni Ford at sa pang-upo nito. Agad din nag-iwas ng tingin si Nejla.

"Love! Come on wake up! Mamasyal tayo ngayon diba?" Pumihit si Ford paharap kay Nejla at hinila siya nito. Kaya nahiga siya sa tabi nito nakayapos ang braso ni Ford sa bewang ni Nejla at siniksik ang ang mukha sa leeg niya.

"Ayaw kung lumabas ngayon." Inaantok pang sabi ni Ford. Hinawakan ni Nejla ang noo ni Ford. Pero, hindi naman ito mainit.

"Masama pakiramdam mo?"Mas hinigpitan ni Ford ang yakap ni Ford kay Nejla.

"No, Mom texted me. She wants to talk" Hinaplos ni Nejla ang buhok ni Ford. Alam niyang nahihirapan ito. Hindi ito nagsasalita kapag tinatanong niya kung nag-uusap na ba sila ng pamilya nito. Ngayon lang at mukhang nahihirapan itong kausapin ang Mama niya. Ayaw naman niyang pangunahan si Ford sa desisyon nito. Gusto niyang handa na si Ford kapag humarap ulit ito sa magulang nito.

"So, anong desisyon mo? Alam mo naman na nandito lang ako. Sasamahan kita kung gusto mo" Narinig niyang bumuntong hinga si Ford.

"For now. I don't want to talk to her. Hindi ko alam kung handa na ba niya akong pakinggan o baka ipagpilitan na naman niya yung point niya." Naiintindihan ni Nejla si Ford. Gusto man niyang mag-usap ang mga ito. Kaya lang alam niyang hindi pa handa si Ford. Para makausap ang ina.

"Then, take your time. Bumangon kana. Magluluto ako."Nag-angat ng tingin si Ford sa kanya at pinugpog siya ng halik sa pisngi.

"Maliligo na ako!" Nagmadali si Ford sa pag-alis sa kama at pumasok sa banyo. Nailing na lang si Nejla at lumabas ng kuwarto para maghanda ng pagkain nito.

Ilang minuto ay busy na si Nejla sa pagluluto at hindi napansin na pumasok na pala si Ford sa kusina at pinagmasdan siyang nagluluto. Kaya ng lumingon siya ay nagulat siya ng makita ito.

"Ano ba! Nagulat ako sayo!" Natawa lang si Ford sa naging reaksyon ni Nejla at naglakad ito papunta sa lamesa at naghila ng upuan at umupo doon.

"Ang sarap pagganito pinagluluto mo ako sa umaga. Nakikita kita paggising tapos nagtatakbuhan yung mga anak natin sa loob ng bahay."pinagpatuloy ni Nejla ang pagluluto ng adobo. Nalaman niya napaborito yun ni Ford. Kahit anong klaseng adobo. Manok,baboy at kung ano paman yun. At ngayon ang niluto niya ay adobong manok. Yun lang kasi ang nakita niya sa fridge nito.

"Gusto mo ng maraming anak?" Tanong ni Nejla at hininaan ang apoy.

"Gusto ko tatlo. Pareho tayong walang mga kapatid kaya gusto ko tatlo magiging anak natin. Okay lang ba yun sayo? Isang taon lang ang agwat--"

"Baliw ka! Isang taon lang talaga?!" Tumango ng seryoso si Ford.

"Ako naman mag-aalaga sa kanila lahat. Pwede naman akong magtrabaho sa bahay lang. Tapos aalagaan din kita" Nakita ni Nejla na sincere si Ford sa mga sinasabi nito. Gusto niyang maiyak dahil alam niyang magiging mabuting magulang si Ford. Ngayon pa lang ay nakikita na niya yun. Inilang hakbang niya ang layo nila ni Ford at hinalikan ito sa labi. Natatawang gumanti si Ford ng halik.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon