Chapter 10
TINAKPAN ni Nejla ang tenga dahil naririndi siya sa ingay ng alarm clock na kinina pa tunog ng tunog!
"I know I have to wake up early! Hindi mo naman kailangang tumunog ng paulit-ulit!!" Binato ni Nejla ang unan na hawak sa alarm clock kaya bumagsak ito sa sahig. At tumigil sa pag tunog.
"Much better!" Muling nagtalokbong si Nejla ng kumot. Papalapit na sana siya sa mahimbing ulit na pagtulog ng tumunog ang cellphone niya. Inis na bumangon si Nejla at nanggagalaiti na hinanap ang cellphone. Pero, Agad nawala ang inis niya ng makita kong sino man ang tumawag. Mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Yes, Dad"
"Make sure napupunta ka sa office ngayon. Do you hear me Nejla?" Gustong mapaikot si Nejla ng mata, Ilang beses na kasing pinaalala ng kanyang ama na kailangan niyang magpunta sa office nito.
"Yes dad! Naririnig kita." Humihikab na sabi ni Nejla." Bye dad, I need to prepare for work." Panay na niya agad ang tawag. At agad pumasok sa banyo. Pinagmasdan niya muna ang sarili sa salamin. Huminga ng malalim si Nejla. At hinanda ang sarili para sa pagpasok sa trabaho niya.
NEJLA prepare herself, pati ang emosyon niya at inihanda na niya. She wants to cover up the pain. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga taong makakakita sa kanya ngayon. Dahil sawa na siyang nakikita ang awa sa mga mata ng mga tao. At ang naalala nila ay ang babaeng iniwan sa harap ng altar. Gusto niyang ipakita sa mga tao na kahit papaano ay okay na siya. Kaya na niya ulit humarap sa mundo.
Kinuha ni Nejla ang susi ng kotse na binigay sa kanya ng kanyang ama upang magamit sa pagpasok niya sa trabaho. Agad siyang nagpunta sa parking area ng condo niya at sumakay sa kotse niya.
ILANG minuto ang byahe bago siya nakarating sa opisina ng ama niya. Pumasok siya agad at nakita niya ang ama na seryoso na nakatitig sa laptop nito at mukhang hindi man lang napansin ang pagpasok niya sa loob ng opisina.
"Dad" noon lang nag-angat ng tingin ang kanyang ama at mukha itong nasiyahan ng makita siya.
"I'm glad, That you look fine now" Nakitbalikat lang siya at naupo sa sofa.
Pinagmasdan siyang mabuti ng ama.
"Dad, naiilang ako! Pinapunta mo ba ako rito para titigan lang?" Daddys girl si Nejla kahit estrekto para sa iba ang ama niya. Pero, tinuturing siya nito prinsesa.
"Nakabuti yata sayo ang pagbabakasyon mo. I'm glad anak" nag-iwas siya ng tingin sa ama. Kaya nga niya pinilit na mag move on dahil sa mga magulang niya. Dahil alam niyang nahihirapan din ito dahil sa kalagayan niya.
Masakit din para sa mga ito kapag nakikita siyang nasasaktan.
"Dad, wag na natin yun pag-usapan. Please. Ano ba ang gagawin ko ngayon?" Umayos ng upo ang kanyang ama at hinarap siya.
"Gusto kong ikaw muna ang umasikaso ng construction firm. Para naman malibang ka. At hindi ka nagmumukmuk sa bahay." Hindi siya tumutol at tumango lang, gusto din naman niyang may kakaabalahan.
"Your first task, papupuntahin kita ngayon sa site." Napasimangot si Nejla.
"Dad naman ayaw kong magpunta--"
"You have no choice Nejla" Napaikot na lang ng mata si Nejla.
"Fine, Dad!" Agad naman ngumisi ang kanyang ama.
PAGDATING ni Nejla sa site ay agad siyang napasimangot. Nakaheels pa siya pupunta lang naman pala siya dito. At nakadress pa talaga siya!
"Good morning, ma'am" nginitian lang niya ang trabahante na bumati sa kanya. Ginala niya ang tingin sa building malapit na itong matapos. Kaya hindi niya maintindihan kong bakit pa siya pinapunta ng ama dito.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...