Chapter 37NEJLA thought Ford would change. Pero, hindi mas inalagaan pa siya nito at minahal. Pinaramdam ni Ford ang pagmamahal niya kay Nejla. At hindi na ito nagbangit ng tungkol sa anak.
Naiintindihan niya yun, kaya lang gusto niyang bigyan ng anak si Ford. Gusto niyang isipin na baka may himala. Baka sakaling magkaroon ng himala at pagbigyan siya. Araw-araw ay nagdarasal siya na bigyan siya.
"Love, Anong iniisip mo?" Napakurap si Nejla at sumalubong sa kanya ang mukha ni Ford.
Lumingon siya sa labas ng kotse at nasa tapat na pala sila ng bahay ng magulang ni Ford.
Gusto niyang samahan si Ford. Sa pagkausap sa magulang nito.
Sabay silang lumabas ng sasakyan. Ngayon pa lang siya nakapasok sa bahay ng magulang ni Ford. Pero, gusto niyang kilalanin ang magulang ni Ford.
Kahit sila ni Ford naman ang magsasama sa iisang bahay ay gusto niya parin maging maayos ang relasyon nila ng pamilya ni Ford. Pero, kung hindi na talaga wala na siyang magagawa.
Pumasok sila sa loob at nakita nila ang magulang ni Ford na nasa salas. Tumuon ang tingin ng ina ni Ford kay Nejla. Kaswal na ngiti lang ang binigay nito sa kanya.
Nagmano sila sa mga magulang ni Ford.
"Mag-usap tayo mamaya Ford. For know gusto ko munang kilalanin ang mapapangasawa mo, Come on" Hinawakan siya sa braso ng Mama ni Ford. Walang nagawa si Nejla kung di sumama.
ni Nejla ng makita kung gaano kaganda ang kusina ng Mama ni Ford."Kitchen is my stress reliever. Marunong ka ba magluto?" Tumango si Nejla.
"Then we should start."Agad na kumilos si Nejla at nilagay ang bag nadala sa upuan na nasa mesa at kumuha ng apron.
Nang una ay pareho silang hindi nagsasalita habang humihiwa ng mga kailangan sa pagluluto.
"Alam kong hindi naging maganda ang unang pagkikita natin. And I'm sorry about that. Maybe we can start something good?" Napangiti si Nejla. Alam niyang pinipilit ng mama ni Ford na ayusin ang lahat.
"Salamat po"Napangiti ang Mama ni Ford.
"Dapat ako magpasalamat sayo dahil, pinasaya mo ang anak ko. Alam kong marami akong pagkukulang sa anak ko. Pero, alam ko na napunan mo yun at napasaya mo siya. Kaya salamat" naluha si Nejla habang nakatingin sa ina ni Ford.
Nejla see Ford's mother as a woman with pride and dignity. Pero, ngayon ibinaba niya ang lahat para lang makitang masaya ang anak.
Only a great woman can do that.
"W-why are you crying!" Halos hindi alam ng ina ni Ford kung ano ang gagawin dahil sa pag-iyak ni Nejla.
Ang nagawa na lang nito ay haplosin ang mukha ni Nejla at lumambot ang expresyon ng mukha nito.
"I can see that you love my son so much" Sabi nito at na mas lalong nagpaluha kay Nejla.
The last time they see each other was never a good one.
Pero, ngayon naglaan ng effort ang ina ni Ford na kilalanin siya at sobrang saya niya dahil don.
Kahit kailan ay hindi mapapantayan ang kayang gawin ng isang ina para sa anak.
"Thank you din po kasi ipinanganak nyo si Ford. Pangako po aalagaan ko siya at mamahalin" nagpunas ng mata ang mama ni Ford.
At nagulat si Nejla ng yakapin siya ng Mama ni Ford. Hindi agad siya nakakilos at nakagante ng yakap dahil sa kabiglaan.
Pero, nang makabawi ay agad niyang niyakap ang ina ni Ford.
Napunta ang mata niya sa may pintuan ng kusina at nakitang nakatayo si Ford. May masayang expresyon ito sa mukha. Para bang nakahinga ito ng maluwag ng makita ang eksenang nadatnan.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
Fiksi Umum"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...