Chapter 9

366 41 26
                                    

Chapter 9

ITO na ang huling araw ni Nejla sa resort, At bukas ay babalik na siya sa totoong buhay kong saan kailangan niyang harapin ang lahat.

Napangiti siya sa isang linggo niyang pananatili sa lugar na ito ay naramdaman niyang kahit papano ay naging okay siya.

Kahit paano ay nakabuti sa kanya ang lugar na ito. At mas nakilala niya ang sarili na hindi niya nagawa dati. Dahil ng magkasama pa sila ni Yatt ay umikot ang mundo niya kay Yatt. Lahat ng desisyon niya ay nakasalalay kay Yatt.

"Are on Mars now?" Halos mapatalon siya ng may humawak sa balikat niya ng mag-angat siya ng ulo ay si Ford pala at nakakunot ang noo.

"H-huh?" Napailing si Ford at sumandal sa pader habang nakatingin sa kanya. Nasa loob ng bulsa nito ang dalawang kamay.

"I was calling you and your not listening..." In days medyo nakilala na niya si Ford, Kung paano ito ka seryoso sa buhay at minsan ay ayaw nitong magsalita. Kung paano kumunot ang noo nito kapag hindi siya nakikinig at kung paano ito magsungit sa kanya. At nagpapasalamat siya na nakilala niya ito dito sa resort.

"What?" Tanong ni Ford ng hindi nagsalita si Nejla.

"Wala naman, Magbibihis lang ako," Tumayo si Nejla at pumasok sa loob ng cabin niya. Balak nilang dalawa na mag mountain climbing, Nang umpisa ay natatakot siya dahil sa nangyari sa kanya ng huling umakyat siya sa bundok na yun.

Nang makapasok siya ay agad siyang naligo at nagbihis. Habang nakatingin siya sa salamin na nasa harap niya ay napansin niyang hindi na gaanong stress ang mukha niya.

Hindi gaya nang una siyang nagpunta sa resort na para siyang wala sa sarili at kita sa mukha niya na may problema nga siya.

Napangiti siya ang tanging hiling lang niya sa sarili ay mag tuloy-tuloy na ang lahat ng ito, Alam niya balang araw makakaya na nyang balikan ang lahat ng alala na kasama si Yatt ng hindi siya naiiyak. Sana dumating araw na yun. Pero, sa puso niya umaasa pa rin na sana bumalik balang araw si Yatt at magpapaliwanag at buong puso niya itong tatanggapin sa buhay niya. Kahit gaano pa kabigat ang ginawa nito sa kanya.

Bago paman bumagsak ang mga luha sa mata niya ay kinuha na niya ang bag at lumabas, Nadatnan niya si Ford na nakahiga sa hammock at nakapikit ang mga mata nito. Alas singko pa lamang kaya hindi pa lumalabas masyado ang araw.

Gigisingin na sana niya ito kakalabitin ang balikat ng mabitin ang mga kamay niya sa ere ng mapagmasdan niya ang maamong mukha nito habang natutulog, Para itong anghel habang nakapikit. Kapag nakapikit ang lalaki ay hindi mo aakalaing masungit ito kapag gising.

Dahan dahang bumukas ang mata ni Ford at nagtama ang mga mata nilang dalawa.

"You ready?"

"A-ah, Oo" Agad siyang tumayo ng tuwid,

"Bakit nakatitig ka sakin kanina?" Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang hininga ni Ford sa punong tenga niya, Agad niya itong tinulak, isang tawa ang kumawala mula sa mga labi ni Ford kaya na pahinto si Nejla, Ngayon lamang niya narinig na tumawa ng totoo ang lalaki at inaamin niya at napakaganda nitong pakinggan.

"Tara na nga, Puro ka biro!" Nagmartsa siya paalis, Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng ginhawa sa loob ng puso niya. Habang kausap ang lalaki.

***

TAGAKTAK ang pawis ni Nejla habang naglalakad, Nakasunod sa kanya si Ford habang dala ang bag nilang dalawa ni Nejla, Magkahawak na ang kanay nilang dalawa dahil inaalalayan siya nitong maglakad,

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon