Chapter 27

296 25 29
                                    


Chapter 27

HINDI alam ni Nejla kong bakit pumayag siyang makipag-usap kay Yatt. Nasa pinto na siya ng restaurant kong saan gustong makipag-usap ni Yatt. Pero, Hindi niya maihakbang ang mga paa nagtatalo ang isip at puso niya. Pero, lumingon siya ay nakita niya si Yatt na nakatingin sa kanya. Naghihintay itong puntahan niya. Nakaupo ito ng tuwid at wala ng bakas ng pagmumokmok nito. Prente itong nakaupo habang nakatitig sa kanya. Bumuntong hinga si Nejla at naglakad papunta sa table ni Yatt. Agad siyang umupo at tiningnan si Yatt. Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya.

She should be mad, Dapat ngayon ay sinisigawan na niya ito sa galit.  Dahil sa lahat ng ginawa nito sa kanya na nalaman niya sa Papa niya. Pero, hindi niya magawang manumbat kasi sadyang ayaw na niyang balikan yun at pagod na rin siyang iwasan si Yatt.

"What is it this time?" Tumaas ang sulok ng labi ni Yatt.

"Pagod kana?" Hindi sumagot si Nejla. Tumawa ng mahina si Yatt. "Ako rin pagod na, Akala ko kaya ko ng wala ka sa tabi ko akala ko kaya kitang tiisin. Pero, hindi ko kaya. Paulit-ulit na sobrang sakit na. Hindi lang naman ikaw ang nasaktan. Pero, bakit parang ako lang yung may mali" hinawakan na maghigpit ni Nejla ang kamay na nasa ilalim ng mesa.

"Mag move-on na lang tayong dalawa." Muling tumaas ang sulok ng labi ni Yatt.

"Bakit ayaw mong pag-usapan? Hindi lang naman ako ang nagkamali diba? Ikaw rin. Alam mo kong gaano kita minahal, Alam mo kong gaano ko binigay lahat sayo, kung paano ko sinuko lahat ng pangarap ko para umabot tayo dito. Gusto kong sabihin sayo kung bakit kita iniwan sa altar--"

"Enough--"

"Kasi, maulit-ulit na naglalakbay sa isip ko ang ginawa mo--"

"Aalis na ako" naglakad si Nejla paalis. Hanggang makarating siya sa kotse niya. Pero, hinila siya ni Yatt at pinasok sa kotse nito. Hindi agad siya nakakilos ay nakasakay na si Yatt at pinaandar ang sasakyan.

"Ano ba! Ibaba mo ako!" Pero, walang narinig si Yatt at dinala si Nejla sa kung saan. Nang makita niya ang lugar ay binundol siya ng kaba.

"Yatt, bumalik na tayo!--"

"Maglinawan na tayo ngayon. Gusto mong matapos tong lahat diba. Gusto ko na ring malaman lahat" Huminto ang sasakyan ni Yatt sa isang lugar na sobrang mapilyar sa kanya. Lumabas si Yatt at pinagsuksan siya ng pinto.

"Baba" Hindi kumilos si Nejla sa kinauupuan niya. Pero, hinila siya ni Yatt at pinalabas. Hindi mahigpit ang hawak nito sa braso niya.

Naglakad sila ni Nejla hanggang makarating sila sa dalampasigan. Tsaka lang siya binitawan nito.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Naupo si Yatt sa may buhangin.

"Nandoon ako ng gabing yun" Parang hindi nakahinga si Nejla sa sinabi ni Yatt."Pinapanood kita kong paano mo ako gaguhin ng paulit-ulit" Nag-unahan sa pagpagsak ang mga luha ni Nejla dahil sa sinabi ni Yatt.

"I.. I.." Hindi alam ni Nejla ang sasabihin dahil sa sobrang kaba ang nararamdaman niya.

"Gusto kong kalimutan lahat ng nakita ko. Gusto kong magpatuloy ng parang walang nangyari dahil mahal kita. Kaya lang habang tumatagal ay hindi na lang ang pagmamahal ang nararamdaman ko. I'm starting to hate you. Pero, Hindi kita kayang bitawan." Humagolgol si Nejla. Alam niyang malaking pagkakamali ang nagawa niya at hindi na niya mababago pa yun. Akala niya walang makakaalam. Akala niya hindi malalaman ni Yatt. Pero, mali pala siya. Kaya pala nagbago ito sa kanya. Ngayon naiintindihan na niya ang pagbabago niya.

"That was a mistake" Walang narinig si Nejla mula kay Yatt at namayani sa kanila ang katahimikan hanggang basagin yun ni Yatt.

"Akala ko mahal mo ako, bakit mo nagawa sa akin yun?" Sabi ni Yatt. Hindi nakasagot si Nejla at walang magawa ay tumahimik."Oo nagkamali ako ng pumatol ako sa iba. Dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kong ano bang wala sa akin. Bakit mo ako nagawang l-lokohin" Pumiyok si Yatt sa huling sinabi.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon