Chapter 30

357 22 29
                                    


Chapter 30

HINDI maalis ni Nejla ang mata sa natutulog na si Ford. Baka kasi kapag inalis niya ang tingin ay basta na lang ito mawawala sa paningin niya. Walang ideya ang lalaking ito kong gaano siya nabaliw sa kakaisip na ikakasal si Ford sa iba. Hindi niya matanggap ng puso niya.

Hinaplos niya ang mukha ni Ford. Nasa bahay pa rin siya ng pinsan dahil may kailangan pa silang ayusin.

Ayaw pa sana matulog ni Ford kanina. Pero, pinilit niya dahil naawa si kay Ford. Halata na wala itong tulog at pumapayat din ito.

"You really love him?" Napalingon siya sa may pinto at nakita ang pinsan na nakasandal sa may pinto at nakalagay ang mga kamay sa bulsa.

Kinumutan niya si Ford at hinalikan sa pisngi. Bago lumabas, nakasandal pa rin ang pinsan niya sa may pinto na para bang hinihintay siya. Naglakad si Nejla pababa hanggang makarating siya sa may pool area. Naupo siya sa may gilid ng pool ilubog ang paa sa tubig. Tumabi si Caylus sa kanya.

"Are you happy?" Nilingon niya ang pinsan at ngumiti.

"I am" Parang sasabog ang puso ni Nejla dahil sa sobrang saya. Para siyang nakasakay sa ulap at lumulutang.

"I can see that. How about your ex?" Kaswal na sabi ng pinsan niya. Gising na si Yatt at maayos na ang lagay nito. Pinuntahan niya ito at kinamusta. Humingi siya ng tawad sa lahat ng nagawa niya kay Yatt.

Naging makasarili siya dati. Nasaktan niya si Yatt, Ang iniisip niya lang ay ang sarili niya dati. Pero, sadyang ganoon naman talaga tao. Minsan gumagawa ka ng bagay na sa tingin mo ay pabor para sayo. Hindi mo inisip na makakasakit ka ng iba.

Ginalaw ni Nejla ang paa sa tubig bago sumagot sa pinsan.

"Were good, Napatawad na namin ang isa't-isa. And we decided to move on separately" Tinapik ni Caylus ang balikat ni Nejla.

"Hindi ako makapaniwala na mature kana ngayon". Saksi ang pinsan sa mga katangahan na ginawa niya para lang makuha ang atensyon ni Yatt dati.

Hindi ito naging sangayon sa paraan niya ng pagmamahal. Pero, hindi ito tumutol sa kahit ano mang ginagawa niya sa buhay.

"Sa palagay ko mahal ka talaga ng lalaking yun" Tumingin ito sa bintana ng kuwarto kung saan natutulog si Ford. Kaya napatingin din si Nejla doon.

"Seven years na niya akong mahal" May pagmamalaking sabi ni Nejla. Parang namula pa yata ang mukha niya ng mabangit niya yun. Nakakahiya palang aminin yun.

"Really? Ang tanga niya pala talaga" Nahampas niya ang pinsan dahil sa sinabi nito. Kaya napangiwi ito at sinamaan siya ng tingin.

"Ano ka ba! Hindi ka ba masaya na minahal niya ako! Hindi ka naman supportive eh!" Nakasimangot na sabi ni Nejla.

"7 years? His out of his mind, Hindi ako maghihintay ng ganoon ka tagal lalo na kung alam kong may mahal namang iba yung babae." Nagbaba ng tingin si Nejla. Tama naman kasi ang pinsan. Masyadong matagal ang 7 Years. Pero, iba si Ford na kaya siya nitong mahalin ng ganoon katagal.

"Oo na--"

"Mahal mo ba siya dahil naghintay siya ng 7 Years?" Napahinto si Nejla sa paggalaw ng paa.

"No, I love Yatt for half of my life. At kung mahal ko pa si Yatt. Hindi ko ipagpapalit ang matagal na panahon na yun. Na alam ko na pinatawad na niya ako kahit may nagawa akong kasalanan sa kanya. Mahal ko si Ford, dahil mahal ko siya at hindi dahil mahal niya ako" Nakatitig ang pinsan ni Nejla kay Nejla na para bang hindi ito makapaniwala sa lumalabas sa bibig niya.

"You know what? Now you learn how to love right" Napangiti si Nejla. Na realize lang niya na hindi niya kailangan sakalin o pilitin ang isang tao na piliin ka. Dahil mahal ka niya.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon