Chapter 32
Warning: Matured content ahead😊
HINAWAKAN ni Ford ang kamay ni Nejla na nasa lap nito. At ramdam niya ang lamig sa mga kamay nito.
"Hey, It's okay. My parents won't bite" Pilit na pinapagaan ni Ford ang loob ni Nejla na hindi na maipinta ang mukha. Dahil sa sobrang kaba.
Gusto kasing makilala ng magulang ni Ford si Nejla. At magkikita sila sa isang restaurant. Hinihintay nila ang magulang ni Ford.
"Kinakabahan ako sobra, Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Kinuha ni Ford ang kamay ni Nejla.
"Kailangan ko ng basbas nila. Pero, ako ang magdedesisyon kung sino ang mamahalin ko at hindi sila. At kung mahal nila ako, mamahalin nila kung sinong mamahalin ko" hinalik-halikan ni Ford ang likod ng palad ni Nejla.
"Sorry were late" Agad na tumayo si Nejla. Kaya napalingon si Ford at nakitang nakatingin ang ina niya sa kamay ni Nejla na hawak niya.
"It's fine ma, Let's take a seat" Nasa likod naman ang ama niya. Natungo sa kanya ng makita siya nito.
Magkasalubong ang kilay ng ina niya. Habang nakatingin kay Nejla.
Mas lalong nanlamig ang kamay ni Nejla.
"Let's order first" Suhestyon ni Ford at tinawag ang waiter.
Halos hindi gumagalaw si Nejla sa kinauupuan. Nilagay ni Ford ang braso sa likod ni Nejla at hinaplos ang mga braso nito.
Kaya napatingin si Nejla sa kanya. Banayad niya itong nginitian.
"So, Who is she?" Nakataas ang kilay na sabi ng Mama ni Ford.
"Hello po, I'm Nejla Velarde--"
"Ikaw yung babaeng sumira sa kasal ng anak ko" Nanigas sa kinauupuan si Nejla at nababa ng tingin. Yumukom ang kamao ni Ford." You ruin my sons wedding now your here--"
"Just for once Ma, Respect me" Nabaling kay Ford ang tingin ng Mama niya. Hindi ito makapaniwala na pinutol niya ang mga sinasabi nito.
"Totoo naman ang sinasabi ko! Sinira ng babaeng yan ang kasal mo! At ngayon pinagtatangol mo siya sa harap ko!"Hinawakan niya ang kamay ni Nejla at aalis na sana sila. Kung alam lang niya na masasaktan lang si Nejla dito ay hindi na sana niya dinala dito.
"Don't you dare walk out, Ford Agustin!" Sigaw ng Mama niya. Mabuti na lang at nasa private room ang dinner nila. Nakita niyang naiyak si Nejla na mas lalong kinasama ng loob ni Ford.
"Enough Loren! Gusto mo bang maging katulad natin ang anak mo? Masyado na siyang maraming nagawa para sa pamilya natin. Hayaan mo naman siyang maging masaya" Mas lalong bumagsik ang anyo ng mama ni Ford.
"Bakit hindi ba siya masaya satin?! Yun ba ang sinasabi mo?" Hinarap siya ng ina. Ford wants to say something but choose to stay quite.
"Oo! Hindi mo ba nakikita? Nasasaktan na ang anak natin, dahil hindi tayo naging mabuting magulang. Paulit-ulit lang natin siyang nasasaktan" Hindi nakaimik si Ford at pati na rin ang Mama niya. Pinagmasdan siya ng Mama niya. Humigpit ang kapit ni Nejla sa kamay ni Ford. At nang tinangnan siya nito ay pinunasan ni Nejla ang luha niya.
Habang nakatingin si Ford kay Nejla na para bang hinihikayat siya nitong magsalita.
"I want to be happy--"
"So, hindi ka nga masaya kami?" Nangilid ang luha sa mata ng Mama ni Ford."Hindi ba ako naging mabuting ina sa'yo, gaya ng sabi ng Papa mo? Ginawa ko naman lahat para maging buong pamilya tayo. Diba?" Tumingin si Ford kay Nejla. Hinawakan ni Nejla ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...