NAGISING si Nejla na masakit ang ulo at hindi niya maigalaw ang katawan niya. Para bang may isang mabigat na bagay ang nakadagan sa kanya.
Pilit niyang minulat ang mga mata, Napapikit siya ulit ng tumama ang liwanag sa mata niya.
Nagtaka siya ng maamoy ang panglalaking pabango sa katawan niya. Hindi naman siya nagpapabango ng panlalaki?.
Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi na nalasing siya at may humila sa kanyang lalaki at hinila siya sa kong saan. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa katabi.
Tiningnan niya ang sarili at nakadamit siya ng malaking t-shirt, Parang sasabog ang ulo ni Nejla dahil sa takot na baka may nangyari sa kanilang dalawa.
"Ahhhhh!!! Manyak ka manyak!" Pinaghahampas niya ng unan si Ford na para wala pa sa sarili dahil sa biglang pagsigaw ng babae sa tabi niya.
"Shut up!" Sabi niya habang sinasalag ang unan na hinahampas ni Nejla sa kanya.
"Walang hiya ka pinagsamantalahan mo ako!" Umiiyak na sabi ni Nejla habang walang habas parin sa paghampas kay Ford na nakakunot ang noo.
Hinila ni Ford ang mga braso ni Nejla at dinaganan si Nejla para hindi ito makagalaw.
"Just please, Shut up! Alam mo bang hindi ako nakatulog dahil sa ginawa mo sakin kagabi?" Namumungay ang mga mata ni Ford dahil sa kagigising lamang nito.
Panay parin ang iyak ni Nejla na ang dalawang kamay ay nasa uluhan niya at hawak ni Ford na nakadagan na ngayon sa kanya.
"Pinagsamantalahan mo ako! Hayop ka!" Napabuntong hinga nalang si Ford.
"Wala akong ginawa sayo, tsaka hindi kita type, Tsk" Huminto naman si Nejla sa pagpumiglas at kaya umalis si Ford sa pagkakadagan sa kanya at umupo sa gilid ng kama.
"Kung wala kang ginawa sakin, Bakit ako nakahubad?" Sabi ni Nejla habang tinatakpan ang dibdib.
"Are you dumb or just plain stupid? Bakit nakahubad ka ba? Wala namang makikita dyan. Flat chested" Sabi ni Ford habang nakasmirk kay Nejla.
"H-hoy, A-ang bastos mo ah!" Nailing nalang si Ford at naglakad papunta sa Banyo, Masakit ang ulo niya dahil walang tulog dahil sa kalikutan ng babaeng nasa kama niya ngayon.
Inis na hinampas ni Nejla ang unan na nasa gilid niya. Napahawak siya sa ulong masakit,
"Lintik na hangover," Agad niyang hinanap ang mga damit niya pero hindi niya ito makita, Nilibot niya ang paningin sa paligid at ng buong kuwarto at masasabi niyang mayaman talaga ang may-ari ng kuwarto na ito. Magkahalong white at brown ang kulay ng buong kuwarto at mukhang mamahalin ang mga gamit sa loob. Mula sa malaking kama hanggang sa sofa at ang sahig na ang alam niya ay mahal ding klase ng kahoy.
Naglakad siya papunta sa may kurtina at niluwagan ang pagkakabukas non. Bumungad sa kanya ang magandang tanawin sa labas at tumama sa mukha niya ang liwanag ng araw.
Agad na namang dumaosdos pababa sa mga mata ang luha ng maalalang ganitong bahay ang gusto niyang tirahan nila ni Yatt, Ang gusto niya pag umaga ay papasok ang liwanag ng araw sa kuwarto nila at pagkatapos ay maglalambigan sa loob ng kuwarto nila at magsasabihan ng mga matatamis na salita sa isa't isa. Ipapaalam niya dito kong gaano niya ito ka mahal at ito ang gusto niyang makasama habang buhay. Pinahid niya ang mga luha sa mata at tumingala.
Kulay asol ang langit at wala man lang tumatakip na ulap sa araw, Dati pangarap nilang mag picnic dalawa kasama ang mga anak nila masayang nagtatawanan at nagkukuwentuhan tungkol sa mga anak nila.
Akala niya tama na ang lahat, Nakaplano na 'yun eh, Ang alam niya. Mahal na Mahal naman nila ang isa't isa. Pero, Bakit nagkaganoon? Bakit iniwan siya ito? Ano bang kulang sa kanya?.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...