Chapter 18

284 26 25
                                    


Chapter 18

SAYING I love you to someone needs commitment. At handa si Ford na ibigay yun kay Nejla. Kaya lang hindi niya maintindihan ang pananahimik nito. Isang linggo na mula ng sabihin niya na mahal niya si Nejla. Pero, napapansin niya ang pananahimik nito at halos hindi siya kinakausap. Akala niya ay hindi magbabago si Nejla sa pag amin niya pero mali pala siya.

Kanina pa siya tumatawag dito. Pero, hindi siya nito sinasagot. Napahampas na lang niya ang kamay sa table na nasa harapan niya na ikinagulat ng kaibigan niyang si Bryan na nasa harap niya.

"Lovers quarrel? I see."

"What are you doing here anyway? Dapat nasa t.v ka at pinapakita yang mukha mo" sabi ni Ford at sinandal ang likod sa upuan niya. Marami siyang kailangang gawin at dumagdag pa na hindi siya sinasagot ni Nejla. Parang sasabog ang ulo niya sa pag-iisip!.

"Dude! Hindi dahil artista ako dapat nasa T.V palagi ang mukha ko. Bored na rin akong palaging sundan ng mga paparazzi!" Sabi ni Bryan habang nakaupo sa sofa at sinandal ang likod sa upuan.

"Akala ko ba 'yun ang gusto mong ginagawa?" Kinuha ni Ford ang mga papeles at binasa ang mga yun. Ang dami niya pang trabaho na dapat asikasohin dahil sa ilang araw niyang bakasyon.

Dumagdag pa ang problema niya kay Nejla na hindi siya kinakausap at ang Mama niya na tumawag sa kanya dahil hindi nito mahanap ang ama niya.

"Yeah, Pero. Namiss kita kaya nandito ako." Sumama ang mukha ni Ford dahil sa narinig.

"I know you have a different reason. Don't bullshit me" Sabi ni Ford habang nakatutok ang mata sa binabasa.

"I'm serious, Dude I miss you" Inangat ni Ford ang mga tingin kay Bryan na nasa sofa pa rin. He can tell that Bryan have a problem.

"What is it? Don't sweet talk me." Tumingin din si Bryan sa kanya.

"Kristen..." sabi ni Bryan na agad din naintindihan ni Ford.

"What's with her?" Tumayo si Ford mula sa pagkakaupo at kumuha ng tubig sa ref. Hindi pa niya nabubuksan ang hawak na battled water ng marinig niyang magmura si Bryan.

"F*ck it! I don't understand her really!" Nilingon ni Ford si Bryan at nakasabunot ito sa buhok na para bang na fufrustrate dahil hindi nito masagot ang tanong.

Binuksan niyang muli ang ref. At ibinalik ang battled water at kumuha ng dalawang bote ng beer. Inabot ni Ford kay Bryan ang beer at itinaas ang hawak niya.

"Cheer! Para sa hindi maintindihan na mga babae" Sabi ni Ford bago ininom ang alak.

Pumasok na naman sa isip ni Ford si Nejla. Mali ba talaga na sinabi niya na mahal niya ito? Bumuntong hinga na lang si Ford. Pareho silang dalawa ni Bryan na nakatulala at hawak ang bote ng alak ng magbukas ang pinto ng office ni Ford ang pumasok doon ang kaibigan nila na si Joshua. Ngiting ngiti ito at nalukot lang ang mukha ng makita ang itsura nilang dalawa.

"What happen mga dudes? Bakit parang binagsakan kayo ng langit at lupa?" Nakapamewang na sabi ni Joshua at pinagayway ang kamay sa mukha ni Ford at Bryan. Sabay naman na sinamaan ng tingin ni Ford at Bryan ang kaibigan na napaatras dahil sa ginawa nila.

"Why are you here?" Tanong ni Ford at muling lumagok sa beer na hawak.

"Ahmm... Wala lang naman. Bored ako eh, makikitambay lang." Nakisiksik si Joshua sa pagitan ni Ford at Bryan at inakbayan ang dalawang kaibigan.

"Alam nyo yang mga babae. Ang kailangan lang nila lambing" nagpapalit palit ang tingin ni Joshua sa dalawang kaibigan na inakbayan.

"At bakit mo alam na babae ang dahilan kaya kami ganito?" Tanong ni Bryan ka Joshua.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon