Chapter 28

295 27 27
                                    

Chapter 28

ILANG araw na pero, hindi pa rin nagigising si Yatt. And Ford was worried. Magkaibigan na sila ni Yatt dahil iniligtas siya nito nong bata pa siya na tumakas siya sa bahay nila at muntik na siyang masagasaan. Kaya nga siguro ginawa niya ang lahat para kay Yatt. Kasi pakiramdam niya utang niya ang buhay sa kaibigan.

Nasa labas ng ICU si Ford at nakatingin sa kaibigan na nasa loob at may nakakabit na mga aparato sa katawan nito. Tinulak siya ni Yatt kaya ito ang natamaan.

Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan. Kahit may hindi sila pagkakaunawaan ay iniligtas pa rin siya nito.

Ngayon ay nagdadalawang-isip na siya kung magiging selfish pa ba siya o pagbibigyan ang kaibigan. Pero, kahit gawin niya yun ay wala namang magbabago pa. Nakapagdesisyon na siya. Tiningnan niya ang kaibigan bago binaling ang tingin sa cellphone na tumunog. Nakita niya ang pangalan ni Joshua sa screen kaya sinagot niya.

"What--"

"Dude! Help me!" Nataranta si Ford at agad lumabas sa hospital base kasi sa tono ng boses ni Joshua ay mukhang may nangyari dito.

"What happen? Where are you?" Halos takbuhin ni Ford ang parking lot para lang makarating sa kotse niya. Agad siyang sumakay sa kotse niya ng makarating sa parking area.

"Dude! Naubusan na ako ng stock sa paborito kong pabango!" Napapikit si Ford sa inis dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Gusto mo ba talagang patayin kita?!" Napasuntok si Ford sa manubela dahil sa inis. Sobrang kaba ang nararamdaman niya. Akala niya ay may nangyaring masama sa kaibigan yun naman pala. Sinumpong na naman ng pagiging baliw!

"Paborito ko yun eh--"

"Anong akala mo sa'kin boyfriend mo? May mas marami akong dapat gawin kaysa problemahin ang ganyang problema!" Inis na inis na sabi ni Ford. Walang ideya ang kaibigan kong anong nararamdaman niya kanina. Habang nagmamdali at nag-aalala na baka may ng yari na dito!

"Bakit ang init ng ulo mo?" Hindi makapaniwang sabi ni Joshua na nasa kabilang linya.

"Because, You're telling a stupid things on me" Narinig niyang bumuntong hinga ang kaibigan sa kabilang linya.

"Seems like you have a big problem, What is it?" Hindi agad nakasagot si Ford. This day hindi niya sinasabi sa iba kung ano man ang iniisip niya.

Pinapagod niya ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi siya nagpapakita sa mga kaibigan niya, sa pamilya niya at lalo na kay Nejla.

Sumasaglit siya sa hospital kong ano na ang lagay ni Yatt don. At mas lalo siyang kinakain ng guilt ng makitang hindi pa rin umaayos ang lagay ng kaibigan niya.

"Nothing--"

"Nothing, huh?" Sarcastic tone was written on Joshua's voice. Walang nagawa si Ford kong di bumuntong hinga. 

He's tried of hiding anyway. Isinandal ni Ford ang likod sa upuan ng sasakyan.

"I'm tired bro, I'm tired from all of this!" Hindi niya mapigilan ang paglabas ng emosyon sa boses niya. Narinig niyang humubot ng malalim na buntong hinga si Joshua sa kabilang linya.

"Punta ka sa bahay ni Shone. Hang out tayo don"

Nag drive na lang si Ford papunta sa buhay ni Shone. Palabas pala lang siya ng sasakyan niya ng makarinig siya ng mga tawanan. Napailing si Ford ng makitang maraming tao ang nandoon. Mukhang may party na nagaganap. Tinanaw ni Ford ang sarili at nakitang hindi man lang siya nakabihis.

Aalis na sana siya ng hindi pa siya nakakatalikod ay may umakbay na sa kanya at hinila siya papasok. Sinamaan niya ng tingin si Bryan na siyang humila sa kanya.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon