Chapter 36TULOG si Nejla sa byahe at papunta sila sa resort kung saan una silang nagkasamang magbakasyon. Hindi mawala ang tuwa sa puso ni Ford habang nagmamaneho. Pakanta-kanta pa siya sa sobrang saya.
Wala siyang pakialam kahit na tinulugan pa siya ni Nejla. Ang mahalaga ay kasama niya itong magbabaksyon.
Masaya siya ngayong araw. Ilang oras ang naging bayahe bago sila makarating sa resort.
Hanggang makarating sila sa resort ay tulog pa rin si Nelja.
Kaya buhat-buhat niya ito hanggang sa cabin niya. Dahil sa tagal niyang nagpupunta rito. Para lang kalimutan si Nejla dati ay may sarili na siyang cabin at kabisado na rin niya ang buong lugar na ito.
Ito ang lugar na hindi siya nagsasawang puntahan. Inihiga niya si Nejla sa kama at binalikan ang mga gamit nila.
At nang pumasok ulit siya sa loob ay nakaupo na si Nejla sa kama at malayo ang tingin nito. Hindi na nga yata napansin ni Nejla ang pagpasok niya.
Ilang araw na rin si Nejla ganito. Nakatulala at parang malayo ang iniisip.
Malapit na ang kasal nilang dalawa. Nakapili na sila ng simbahan at ang gusto ni Nejla ay ang simbahan kung saan ito muntik ikasal kay Yatt. Gusto nitong matabunan ng masayang alaala ang simbahan na yun.
Handa na ang mga damit at pagkain, reception ay handa na.
Balak na rin ni Ford ayusin ang gusot sa magulang niya. Kaya lang masyado siyang naging busy at balak niyang gawin yun pagbalik nilang dalawa ni Nejla.
Konting detalye na lang ay matatapos na ang pagpaplano nila sa kasal. At isang buwan na lang ay handa na siyang mag sabi ng OO sa harap ng altar at kay Nejla.
Pero, nag-aalala siya dahil dalawang araw ng hindi kumikibo si Nejla sa kanya.
Nilapag niya ang mga bag na dala at titigan ang likod ni Nejla na nakatanaw sa dagat.
Hindi niya alam ang iniisip nito. At natatakot siya sa biglaang pagbabago nito sa kanya. Nilapitan niya si Nejla at niyakap ito ng mahigpit.
"What's on your mind? Please tell me. Don't scare me like this." Pinatong niya ang baba sa balikat ni Nejla habang yakap ito mula sa likod.
"Diba gusto mong magkaanak ng marami?" Tumango si Ford.
Hindi mapigilang mag expect ni Ford ng magandang balita. Kaya ba ito nagkakaganito dahil may sasabihin itong maganda?
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Ford.
"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil iniisip mo yun? Don't be, Kung ilan ang ibibigay sa atin. Tatangapin natin sila ng buong puso. Okay?" Sumandal si Nejla kay Ford.
"May sasabihin ako sayo--"
"Save it love... later okay? For now. Let's enjoy our vacation" Walang narinig na sagot si Ford. Pero, umaapaw sa saya ang puso niya. Kaya mas masigla siyang kumilos. Halos buhatin na niya si Nejla. Para lang hindi ito mahirapan sa paglalakad.
"Love ano ba! Kaya ko naman eh!" Hindi pinakinggan ni Ford si Nejla at binuhat niya pa rin ito. Hanggang makarating sila sa restaurant na kakainan nila.
Mas dumoble ang pag-aalaga niya kay Nejla kung pwede lang ay subuan na niya ito. Kaya lang sinamaan siya ng tingin ni Nejla ng akma niya itong susubuan.
"Ford kumain ka na nga!" Masama ang tingin na sabi ni Nejla.
May ngiti naman sa labi ni Ford habang kumakain na kina iling lang ni Nejla.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...