Chapter 31
NAKABUSANGOT ang mukha ni Ford habang nakaharap ito kay si Nejla sa hapag kainan. Hindi naman alam ni Nejla kong anong naging kasalanan niya at nagsusungit ang isang to.
"What?!" Ford just glare at her. Tumaas ang kikay niya dahil sa ginawa ni Ford. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Caylus sa kanilang dalawa.
"Don't you dare drink again" madiin at magkasalubong ang kilay na sabi ni Ford.
"At bakit naman hindi? Wala naman akong ginagawang masama!" Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Ford.
"Mapapahamak ka kapag naglalasing ka. Tapos hindi mo pa matandaan kinabukasan" napatitig si Nejla kay Ford. Hindi niya matandaan na may ginawa siya dito. Ang natandaan lang niya ay nakayakap siya kay Ford paggising at mukhang wala namang nangyari sa kanila. Pero, pagmulat palang ng mata niya at masamang tingin na agad ang binigay ni Ford. Hindi niya maintindihan kung ano bang ginawa niya at ganito na lang ito kainis sa kanya.
"Mabait naman ako pag lasing ah?" Nagulat si Nejla ng parehong natawa si Caylus at Ford. Nakahawak si Ford sa tyan habang tumatawa.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" Nagpupunas si Ford ng luha sa kakatawa. Hindi matigil-tigil ang pagtawa na Ford sa inis ni Nejla ay umalis siya sa hapag kainan.
"Wait!" Hindi pinansin ni Nejla ang pagtawag ni Ford sa kanya. Para kasing pinagkakatuwaan siya nito eh.
Nagpunta siya sa likod bahay ni Caylus kung saan naroon ang garden na puno ng mga puno at halaman.
May swing na naroon kaya umupo sya at hindi pinansin si Ford. Akmang itutulak niya ang sarili para umandar ang swing ng pigilan ito na Ford.
"I'm sorry okay? You just made me laugh--"
"Oo na alam ko naman na nababaliw ako kapag lasing at hindi ko matandaan yun!" Hindi na nagsalita si Ford at hinayaan si Nejla na magsalita.
Nagpunta si Ford sa harap ni Nejla at hinawakan ang mga tuhod nito.
"I first meet you. You are drunk,"Nakatitig si Ford sa mga mata ni Nejla." Hindi mo siguro natatandaan. Hindi ko alam kong anong dahilan at naglalasing ka non. Pero, Yun ang unang beses na tumibok ng mabilis ang puso ko sa isang babae" Ford was slowly holding Nejla hands.
Pinapakingan lang ni Nejla ang sinasabi ni Ford.
"I was never sure of anything about my life before you came, All I want is to go to work, have some fun with girls." Nagbaba ng tingin si Ford na may ngiti sa mga labi" Hindi ko ugaling maghabol ng tao. Kung ayaw nila sa akin. Then okay, Pero pagdating sayo kahit ayaw kong maghabol? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na isip ka, puntahan ka, nanibago nga ako sa sarili kasi hindi ako ganun. Pero, ang pagbabago na yun tinanggap ko." Hinawakan ni Nejla ang mukha ni Ford.
"Ngayon nagsisisi ako kasi hindi ko maalala yun" sabi ni Nejla at tinitigang mabuti ang mukha ni Ford.
Madalas nakikita niyang nakakunot ang noo nito at seryoso. Pero, ngayon ay sobrang transparent ni Ford nakikita niya ang bawat emosyon na lumalabas sa mga mata nito.
Napahinto si Nejla sa pagtitig kay Ford ng may maalala. Napangiti siya. Nag-away sila ni Yatt ng araw na yun. Yun ang unang major na away nila ni Yatt.
Naglalasing siya non dahil akala niya ay maghihiwalay na silang dalawa. Kasama niya pa ang mga kaibigan niya non. Pero, umalis siya para sana puntahan si Yatt. Pero, dahil sa kalasingan ay hindi na niya alam ang ginagawa niya. Ang imahe ng lalaki na yun ay hindi mawala sa isip niya ng ilang buwan at ngayon ay kitang-kita na niya ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...