Chapter 25

321 28 35
                                    

Chapter 24

NEJLA was feeling happy that she's being true to her self. Hindi niya alam na ganito pala ka gaan sa dibdib na wala kanang tinatago sa sarili at tinanggap mo na lang lahat.

"Wag ka ngang ngumiti dyan!" Tiningnan niya lang ang kaibigan na si Jessica at nginitian itong muli.

"What?" Sinamaan siya nito ng tingin.

"Wag kang nga! Bakit nakangiti ka dyan? Anong bang nakakatawa?" Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan.

"Na realize ko lang na. Mas masaya pala magmahal kapag alam mong hindi lang ikaw ang nagmamahal" Mas lalong tumaas ang kilay ng kaibigan niyang si Jessica.

"Bakit nagkabalikan na ba kayo ni Ford?" Umiling siya. Hindi pa sila nag-usap tungkol don. Gusto niya munang tapusin ang sa kanila ni Yatt. Para naman mabigay niya kay Ford ang nararapat dito.

Ngayon ay masaya siya, Bukas siya sa nararamdaman. Hindi katulad ng si Yatt pa. Palagi siyang natatakot na magkamali sa mata ni Yatt. Baka kasi iwan siya nito. Ngayon inisip niya ang lahat. Napakatanga pala talaga niya.

Nakikita ang sarili dati na parang tuta na sunod ng sunod kay Yatt. Kong ano man ang gustuhin nito ay ibibigay niya. Wag lang itong mawala sa kanya.

Mula pa ng bata pa siya ay si Yatt na ang ginusto niya. Ang minahal niya, Ang pangarap niyang maging asawa. Nagpakabulag at bingi siya sa lahat ng kamalian nito. Kapag nag-aaway nga sila ay siya agad ang susuyo kahit na kasalanan pa yun ni Yatt.


Nong si Yatt ang nobyo niya ay wala siyang sariling buhay. Dahil dapat alam ni Yatt ang lahat. Mula sa pagkain, sa damit na susuotin niya. Kong saan sila magdadate lahat ay nakadepende kay Yatt.

Kaya nga siguro ng iwan siya nito ay para siyang nabalian ng pakpak. Hindi niya alam kong saan magsisimula. Kaya siguro ng bumalik ito ay tinanggap niya agad. Pero, hindi na kagaya ng dati ang lahat. Wala na ang dating saya.

Kahit gaano pa katagal ang relasyon kung wala na talagang pagmamahal hinding-hindi na mabubuo pa ulit.

"Hello! Are you still with me?!" Winagayway ni Jessica ang kamay sa harap ng mukha ni Nejla.


"Yeah, May iniisip lang ako" Sabi ni Nejla at uminom sa kape na nasa harap niya.


Hindi niya maimagine kong gaano siya katanga dati. Hinayaan niyang dektahan siya ng pagmamahal. Hiyaan siyang dalhin nito sa kong saan.

At nagpapasalamat siya sa mga kaibigan dahil suportado siya ng mga ito kahit ano man ang gawin niya. Pero, Handa rin siyang batukan sa ulo kapag alam ng mga ito na sumusobra na siya. Kaya nga wala ang kaibigang si Chloe dahil galit ito sa kanya. Dahil nagpakatanga na naman daw siya kay Yatt.


"Oh, Bakit lumungkot naman ang mukha mo dyan?"Nagulat si Jessica ng bigla na lang siyang yakapin ni Nejla.


"Thank you, Dahil hindi ka galit sakin" hinampas siya nito sa balikat kaya napangiwi siya. Pero, nakayakap pa rin siya kay Jessica.


"Baliw ka! Kapag nagalit pa ako sayo, Sino na lang ang ka kausapin mo?" Natawa siyang hinarap ang kaibigan at pinisil ang mukha nito.


"Ang cute mo talaga! Sana nandito si Chloe kaya lang hindi pa rin niya ako kinakausap--"

"Bruha ka! Hindi mo ako tinawagan! Akala mo matitiis kita!" Natawa na lang si Nejla ng yumakap sa likod niya si Chloe. Na hindi niya alam na nandito pala.


"Ikaw kaya ang hindi tumawag sakin" Naupo sa tabi niya si Chloe at nagpupunas ng luha. Hindi talaga siya matiis ng kaibigan. Kahit naman dati pa. Magkasama na silang tatlo mula ng noong college. Kahit na magkaiba ang tinatahak nila ngayon. Magkakaibigan pa rin sila.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon