Chapter 20

294 27 21
                                    

Chapter 20

Sinisisi ni Nejla ang sarili dahil naging makasarili siya. Mas pinili niyang saktan si Ford. Para makasama si Yatt. Kasi gusto niyang isalba ang ten years na pinagsamahan nila.

Kasi hindi niya maipagkakaila na mahal pa rin niya ito.

Nagpunta ito sa condo niya pagkatapos niyang makauwi sa bakasyon nila ni Ford. Magulo ang utak niya non dahil sa pag-amin ni Ford.

Pero, nadatnan ni Nejla si Yatt sa harap ng condo niya. Nagmakaawa ito na patawarin niya at siya namang marupok tinanggap niya ito. Na hindi nag-iisip kong may masasaktan ba dahil sa ginawa niya.

Pero, ngayon ay naiisip niya ang mukha ni Ford.

"Anong iniisip mo babe?" Nakayakap si Yatt kay Nejla at hinahalik-halikan ang noo niya.

Hindi pa sila nakakapag-usap tungkol sa pag-iwan nito sa harap ng altar. Gusto kasi ni Nejla na eenjoy muna na nandito sa harap niya.

Parang hinahanap niya yung komport na nararamdaman niya dati kapag nasa tabi niya si Yatt. Yung nag-uumapaw na pagmamahal.

Kaya hindi siya nagtanong kay Yatt ng kahit ano.

"Nothing" Tumango si Yatt. Alam ni Yatt kapag ganoon siya. Ayaw niyang pag-usapan kapag sinabi niyang nothing kaya iniiba nito ang usapan.

Hindi niya magawang magalit kay Yatt. Mahal niya to eh, Mahal niya.

"Paano mo pala nakilala si Ford?" Biglang tanong ni Yatt.

"Kilala mo siya?" Humarap siya kay Yatt na sinusuklay-suklay ang buhok niya. Na gawain talaga nito dati pa.

"Of course, He's a family friend" Hindi nakapagsalita si Nejla. Magkakilala ang dalawa?

"Dati pa magkakilala na kayo?"hindi sumagot si Yatt.

"Let's not talk about him. I love you" Napatitig lang siya kay Yatt. Hindi niya alam ang sasabihin. Dapat ba siyang sumagot ng I Love you too?.

Nabaling ang tingin nilang dalawa ni Yatt sa cellphone ni Nejla na nasa center table. Ang Papa niya ang tumatawag. Hindi pa alam ng mga magulang niya na nagbalik na si Yatt. Hindi rin alam ni Nejla kong anong magiging reaksyon ng mga magulang niya.

Kinuha niya ang cellphone at sinagot.

"Yes Dad?"

"May meeting ka with Ford ngayon 1p.m sharp--"

"Dad, Pwede bang ikaw na lang muna pumunta?" Sa palagay niya kasi ay hindi pa niya kayang harapain si Ford. Alam niya sobrang laking katangahan ang ginawa niya ng pagtaguan si Ford. Ang naisip lang kasi niya non ay si Yatt. Hindi niya naisip na masasaktan si Ford. Akala niya mababaw lang ang pagmamahal nito sa kanya. Na pwedeng baliwalain.

Pero, Nakita niya ang sakit sa mga mata nito ng umalis ng hindi ito nagpapaalam.

"No! Ikaw ang pumunta, Hindi ka na nga pumapasok sa office. Ano bang ginagawa mo? Noong isang araw hinahanap ka ng boyfriend mo" Napakagat labi na lang si Nejla.

"Wala po, p-pupunta ako. Text nyo nalang sa akin yung address"Agad binaba ni Nejla ang tawag.

"What is it?"Nilingon niya si Yatt na nakaupo sa sofa.

"May meeting akong pupunta" Naglakad na siya papunta sa kuwarto para makapag bihis.

"With who?" Nakasunod na sabi ni Yatt.

"Ford Agustin" simpleng sagot ni Nejla. Natigilan si Nejla ng hawakan ni Yatt si Nejla sa Braso.

"Wag kang pumunta" Tumaas ang kilay ni Nejla.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon