Chapter 7

400 42 30
                                    

Chapter 7

GISING ang utak niya pero hindi na kayang dumilat ng mga mata niya. Narinig na lamang niya ang malakas na palo ng isang bagay at may na papaaray na para bang nasasaktan. Naramdaman niya ring kumawala na ang dalawang lalaki sa pagkakahawak sa mga braso niya.

"Sino ka ba bakit ka nakikialam. Kami ang unang nakakita sa kanya!" Rinig niyang sigaw ng isang lalaki.

Walang sumangot at narinig nalang niya ang malakas na pagbagsak at biglang tumahimik ang buong lugar.

"Miss wake up! Open your eyes!" Dahan dahan niyang binuksan ang mata. Agad siyang nagpumiglas ng hawakan siya sa braso ng lalaki.

"Bitawan mo ko!! Bitawan mo ako!!" Umiiyak na naman siya. Madilim na at tangging ilaw nalang ng flashlight ang nagliwanag sa kanila. Nakita niyang nakahandusay na sa damuhan ang tatlong lalaki.

"It's okay, I won't hurt you," Inabot ng lalaki ang kamay niya kay Nejla. Para bang nakahinga siya ng maluwag. Isang malakas na iyak ang kumawala sa mga labi niya. Takot na takot siya kanina akala niya katapusan na niya talaga.

Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang lalaki. Para namang nanigas ang lalaki pero niyakap siya nito pabalik.

May narinig siyang mga tinig mga tao maya-maya pa ay nakita niya ang liwanag ng mga dala nitong flashlight. Nakayakap pa rin siya sa lalaking hindi naman niya kilala. Pero, Iwan niya at pakiramdam niya pamilyar ang amoy ng lalaki.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Narinig niyang tanong ng isang lalaki na hindi na siya nag-abalang tingin pa.

"Dalhin nyo na ang tatlong yan, Ako na ang bahala sa kanya." Sabi ng kayakap na lalaki. Umiiyak pa rin siya sa balikat nito.

"It's okay your safe now." Medyo nilayo ni Nejla ang sarili sa lalaki. Para makita ang mukha nito.

Dahil sa liwanag ng flashlight ay malinaw niyang nakita ang mukha ng taong nagligtas sa kanya.

"M-mr. A-agustin?" Nakatingin din ito sa kanya na para bang nakikilala rin siya.

"Ms. Velarde? Nagkita na naman tayo" Ginulo nito ang buhok niya. Dahan-dahan siya binuhat at naglakad. Tumulo na naman ang luha niya sa mata ng maalala ang nangyari kanina. Akala niya mamatay na siya. Pero, May dumating na isang tao para iligtas siya sa mga taong nagtangka sa buhay niya.

"T-thank Y-you for saving me," Kinagat niya ang labi para pigilin ang paghikbi.

"Stop crying, your okay now I'm here" Nakatingin siya sa mukha ng lalaki habang naglalakad. Dati ay ayaw niya itong makita. Pero, ngayon nagpapasalamat siya ng dumating ito. Utang nya ang buhay sa lalaking ito.

Ilang oras ang lakaran at nakarating din sila sa resort agad siyang hinatid ni Ford sa cabin niya. Parang wala itong kapaguran habang buhat buhat siya sa mga bisig nito. Siya naman ay nakasandal sa matigas na dibdib nito. Hindi sila nagsasalita dahil wala din naman siyang sasabihin.

Hiniga siya nito sa kama niya at hinubad ang sapatos niya sa paa.

"Thank you---"

"Stop saying thank you, just rest" Nakakunot ang mga noo nito at tinitingnan ang mga paltos niya sa paa.

"Magpahinga kana, Ako nang bahala sa tatlong yun" Seryoso nitong sabi. At some point she feel safe habang nakatingin sa mukha ng lalaki.

Dahan-dahan siyang tumayo at pumasok sa loob ng banyo niya para maglinis ng katawan. Nang lumabas siya ay nasa sofa si Ford at may kinakalikot sa cellphone nito. At nang makita siya nito ay tumayo ito sa pagkakaupo. Si Nejla naman ay dumeretso sa kama niya.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon