Chapter 19
FORD is smiling happily. Hindi siya makapaghintay na bumukas ang elevator at puntahan si Nejla sa condo niya. Gusto niya itong surpresahin ngayon. May dala siyang bulaklak, cake at chocolate na paborito nito.
Mas lumawak ang ngiti niya. Nang bumukas ang elevator at halos takbuhin niya ang condo ni Nejla.
Pagdating niya sa tapat ng pinto ni Nejla at agad niyang pinindot ang code ni Nejla. Binigay kasi nito ang passcode ng condo niya. Alam niya kasi natutulog pa ito ngayon dahil maaga pa. Balak niyang ipagluto ito ng agahan.
Hindi niya akalain na tatagal sila ng isang buwan
ni Nejla.Gusto niya itong surpresahin at balak niyang iparamdam kay nila ngayong araw kong gaano niya ito kamahal.
Nang mabuksan ang pinto ay agad pumasok si Ford sa loob.
Pero, unti-unting mabura ang masayang ngiti sa mga labi niya ng makita ang mahal niyang babae na may kahalikan na lalaki.
Parang nawala lahat ng dugo ni Ford at umakyat yun sa ulo niya. Naglakad si Ford at nilapag ang dala sa center table.
Nagulat ang dalawa ng makarinig ng tunog at napalingon sa gawi niya.
Bakas ang gulat sa pagmumukha ni Nejla. Napangiti ng mapait si Ford. Nanginginig siya sa galit. Pero, Hindi siya makagalaw para sugurin ang dalawa. Pagod siyang naupo sa sofa. Agad lumapit si Nejla sa kanya.
"F-ford Magpapaliwanag ako, mali ang iniisip mo" Natawa si Ford. Parang dinurog ang puso niya dahil sa sobrang sakit.
Tiningnan niya ang lalaking kasama nito kanina. Yatt Ano naman ang laban niya sa lalaking ito. Alam niyang wala kahit ano pa ang galit na nararamdaman niya. Balewala 'yun. Gusto niya itong patayin sa suntok at balian ng buto.
"Dude--"
"Yatt, please! Umalis ka muna!" Sita ni Nejla kay Yatt. Balak niyang surpresahin si Nejla. Pero, ito pala ang may surpresa sa kanya.
"But--" binaling niya ang tingin kay Nejla at umiiyak ito. Hindi niya alam kong para saan ang iyak nito. Ayaw niyang magsalita at pinigilan niya ang sarili. Baka kasi kapag nagsalita siya may masabi siyang masama.
"Please!" Bumuntong hinga si Yatt at lumabas ng condo ni Nejla. Nang makalabas si Yatt ay nabalot ng nakakabinging katahimikan silang dalawa ni Nejla.
"F-ford--"
"Igagawa kita ng breakfast" Naglakad si Ford para magpunta sa kusina. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa. Paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang nakita kanina. Gusto niyang sumabog sa galit. Gusto niyang magtanong kay Nejla kong ano ba yung nakita niya. Pero, Natatakot siya sa sagot nito. Agad siyang nagpunta sa lababo at naghilamos. Baka sakaling kumalma siya. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay naglakad siya papunta sa refrigerator at kumuha ng lulutuin para sa breakfast. Nanginginig pa rin ang kamay niya.
Nahulog pa ang hawak niyang itlog.
"Ford mag-usap tayo please" Hinarap niya si Nejla. Umiiyak pa rin ito. Pinilit niyang ngumiti dito.
"Nejla, Maligo kana diba may date tayo ngayon? Go" tinulak niya ito palabas ng kusina. He tried his best para makangiti ng maayos. Sinubukan niyang wag sirain ang monthsary nilang dalawa. Kung puwede niyang pagtakpan ang lahat ng nararamdaman niya gagawin niya, Para sa taong mahal niya.
Lumingon sa kanya si Nejla at umiiyak pa rin.
"Hayaan mo muna akong magpaliwag--"
"Save it, Maligo kana" Bumalik na rin siya sa pagluluto. Pero, Napasandal lang siya sa sink ng manghina ang paa niya.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...