Chapter 2
KUNG ang paglalasing ay solusyon para makalimot ay matagal ng nalimutan ni Nejla ang masasakit na sandali ng buhay niya. Gusto niyang lunurin ang sarili para makalimot sa lahat ng sakit.
"Nej, That's enough" Winaksi ni Nejla ang kamay ni Jessica na magtangkang agawin nito ang alak na iniinom niya.
"Nej tama na yan. Lasing ka na eh" Lasing nga ba siya? Bakit hindi parin maalis ang sakit sa puso niya? Nag-unahan na naman sa pagtulo ang kanyang mga luha sa mata. Bakit ang sakit parin? Wala man lang siyang narinig na paliwanag mula kay Yatt kaya mas lalong masakit.
"Bakit kailangan niyang gawin sa'kin to?" Tanong niya sa kaibigan na si Jessica, Bakas ang awa sa mga mata ni Jessica habang nakatingin sa kaibigan. Alam niyang masakit para dito ang ginawa ng kasintahan. Nakita niya kong gaano kamahal ni Nejla ang kasintahan. Kaya hindi niya inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat.
"Binigay ko naman lahat diba? Bakit niya parin ako iniwan?" Umiiyak na sabi ni Nejla. Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa mga mata niya at tumayo, Tinatawag siya ng kaibigan pero hindi siya nagpatinag naglakad parin hindi niya alam kong saan siya pupunta. Umiikot na rin ang paningin niya. Dahil sa alak na ininom, Hindi na niya alintana ang nakakasalubong na tao. Bigla nalang siya nasagi ng taong nagsasayaw kaya nawalan siya ng balanse at nabuwal. Wala na siyang pakialam kong bumagsak man siya sa sahig. Pakiramdam niya ay manhid na ang katawan niya. Marahil sa dami ng kanyang nainom.
Pero isang malakas na bisig ang sumalo sa kanya. Natawa siya ng mapakla. Bakit kailangan may sumalo pa sa kanya? Wala na nga siyang pakialam diba? Pilit niyang dinilat ang mga mata at nakitang isa palang lalaki ang sumalo sa kanya. Nakatitig ito sa kanya na para bang pinag-aaralan ang mukha niya. Mukha itong seryosong seryoso sa pagsuri ng mukha niya.
"Are you okay?" Mahinang usal nito, Doon lamang niya napansin na isang pulgada na lamang pala ang layo ng mga labi nila. Marahil sa epekto na rin ng alak ay tinawid niya ang pagitan nila at hinalikan ang lalaki.
Nanigas ang lalaki sa ginawa niya. Agad din naman niyang pinutol ang halik at tumingin sa mukha ng lalaking, Nakakunot na ang noo ngayon.
"D-do you want to sleep with me?" Tanong ni Nejla sa lalaking kaharap. Isang ngisi ang lumabas sa mga labi ng lalaki. Amusement was written all over his handsome face. Hindi maitatanggi ni Nejla na gwapo nga ang nasabing lalaki. Singkit ang mga mata nito at medyo may kakapalan ang mga kilay, At kahit hindi gaanong maliwanag sa pwesto nilang dalawa ay alam niyang mapula ang mga labi ito at malambot.
Dahan-dahang inangat ng lalaki ang katawan ni Nejla.
"You're drunk," Isang ngisi ulit ang lumabas sa mga labi nito. At agad ding tumalikod, Sinundan ni Nejla ang nasabing lalaki. Nagpunta ito sa isang VIP room. Pasuray-suray siyang naglakad kasunod sa lalaking sumalo kanina sa kanya.
"Wait!" Hinawakan ni Nejla at hinila paharap sa kanya.
"Ayaw mo sakin? Maganda naman ako diba?" Kumunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa mukha niya. Naiinis siya sa expresyon ng mukha nito na para bang walang pakialam at nawewerduhan nalang sa kanya.
"Look miss, Lasing kalang at ayaw kong makipaglaro sayo ngayon. Just go back where you come from" Akmang tatalikod na naman sa kanya ang lalaki pero hinila na naman niya ito, Dahil lasing na siya at malakas ang loob niyang yayain ang lalaki na makasama ito ngayong gabi.
"Bakit ayaw mo sakin?" Direktang tanong niya sa lalaki.
"Because, I know your just broken. At ayaw kong manamantala ng kagaya mong despada" Bakit kailangan pang ipaalala ng lalaking ito na nasasaktan siya ngayon. Kaya nga niya ito nilapitan para makalimutan ang lahat ng sakit ng puso niya.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...