Chapter 33

336 24 40
                                    


Chapter 33

Ford feel happy while working. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Kahit sa maghapon na trabaho ay madaling niyang natapos lahat. Umalis siya sa swivel chair at inunat ang mga braso. Medyo nanakit ang likod niya sa pag-upo.

Napalingon siya sa cellphone na nasa table niya ngayon. 

Agad niyang dinampot ang cellphone ng makita kung sino ang tumawag.

"Hey," Nakapamulsa si Ford habang nakatingin sa mga gusali na nasa harap niya.

"Hey, Bro. Pick me up!" Napailing si Ford sa sinabi ng kausap sa kabilang linya.

"Why should I?" Masungit na sabi ni Ford.

"Because you love me? Oh! come on bro!"

"Tsk! Fine!" Hindi talaga siya makatanggi sa isang yun. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at tinawagan si Nejla.

"Hey, Love!" Masiglang bati ni Nejla. Na para bang nagmamadali.

"Hey, Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang sabi ni Ford.  Habang papasakay siya ng elevator.

"Oo naman! May ginagawa lang. Susundin mo na ako?" Napangiti siya ng malambing ang pagkakasabi ni Nejla. Nagulat pa ang empleyado na nakasabay niya. Madalas kasi ay hindi naman nakangiti si Ford. Kaya nanibago ang mga ito sa kanya.

Nang makarating siya sa parking area ay kausap niya pa rin si Nejla.

"Papunta na ako sayo, I love you" sabi ni Ford. Nejla just giggled on the other line.

"I love you, Too"

Sinundo ni Ford si Nejla sa opisina nito. At sinama ito sa airport.

"Love, Comfort room lang ako. Okay?" Paalam ni Nejla. Kaya naunang nagpunta si Ford sa Waiting area.

Ilang minuto pa lang siyang nakaupo ng may bigla na lang yumakap sa kanya. At pinugpog siya ng halik sa mukha.

"Philip!!" May diin na sabi ni Ford. Habang pinipigilan ang mukha ng lalaki sa paghalik sa mukha niya.

"I miss you, Bro!! Don't you miss me?" Nakayakap na sa leeg ni Ford ang mga braso ng pinsan. Walang nagawa si Ford. Kung di yakapin ito pabalik.

"Nah! I don't miss you. Ginugulo mo na naman ako" Sumama ang mukha ng pinsan ni Ford.

"Your so mean! Nawala nga ako ng ilang taon. Tapos ganyan kapa sa'kin" Natawa si Ford lang si Ford. His cousin is a drama king.

Ginulo na lang ni Ford ang buhok ng pinsan.

Napangiti si Ford makitang papalapit si Nejla sa pwesto niya. Kumaway siya kay Nejla.

Gusto niyang ipakilala ang pinsan sa Girlfriend niya.

"Kasama ko yung girlfriend ko--"

"Nejla! Long time no see!" Biglang sigaw ni Philip at kunaway pa kay Nejla. Nalipat ang tingin ni Ford sa pinsan na marinig na tinawag nito sa pangalan ng Girlfriend niya. At ng magbalik siya ng tingin kay Nejla ay parang hindi ito mapakali.

"She's my girlfriend, Nejla" Sabi ni Ford. Agad naman lumapit si Nejla at humawak sa braso niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ng pinsan ni Ford kay Nejla at Ford.

"Hmm.." hanggang sa huminto ang mata ng pinsan ni Ford kay Nejla.

"This is Philip my cousin" Nakatingin lang si Ford sa mukha ni Nejla.

"H-hi, Philip" Inabot ni Nejla ang kamay kay Philip. Malugod naman yung tinanggap ni Philip.

"So, ikaw pala ang nakabihag sa puso ng pinsan kung mailap?. Nice to meet you" Agad na binawi ni Nejla ang kamay mula sa hawak ni Philip.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon