Chapter 17Hindi makapagsalita si Nejla at namula pa yata ang mukha niya. Bigla siyang na conscious sa suot niya. Kaya na pagpasyahan niyang umahon na lang. Kahit nakaalis na si Ford ay nanatili pa rin si Nejla sa pool pero hindi na siya lumangoy at binalot niya ang katawan ng roba.
Nakaupo na lang siya sa gilid ng pool habang nakasawsaw ang paa sa tubig.
Napalingon siya ng may maglagay ng juice sa gilid niya at nakita niya si Nanay Doreen at agad din itong umalis pagkatapos ilapag sa gilid niya ang juice.
"N-nanay Doreen." Tawag niya sa pangalan ng matandang babae. Huminto naman ito at humarap kay Nejla.
At walang ka ngiti-ngiti ang mukha nito ng magtama ang mga mata nila.
Parang umurong yata ang dila ni Nejla ng makaharap niya ito.
"May kailangan po kayo?" Hindi alam ni Nejla ang dapat niyang sabihin sa babae. Parang umurong lahat ng gusto niyang itanong dito.
"T-thank you po" 'Yun na lang ang nasabi ni Nejla. Tumango naman ang matandang babae at umalis sa harap niya.
Sinundan nalang niya ng tingin si Nanay Doreen. May mali talaga siyang nakikita sa babaeng 'yun. At hindi niya matukoy kong ano.
Kasi sa mga tingin nito sa kanya ay parang may gusto itong sabihin. Inalog ni Nejla ang ulo. Inubos niya ang laman ng baso at naglakad papunta sa kusina para ilagay ang baso roon.
Halos marinig ni Nejla ang yabag ng mga paa niya dahil sa sobrang tahimik sa loob ng bahay. Nang makarating siya sa kusina at hinugasan ang baso at maibalik ito sa lagayan ay umakyat na siya sa kuwarto para makapag shower.
Pagkatapos niyang maligo ay nagpasya siyang hanapin si Ford. Ito ang nagdala sa kanya rito tapos wala naman ito ngayon.
Naglakad si Nejla palabas. At natagpuan niya ang sarili sa likod ng bahay. At paikot-ikot lang siya, habang hinahanap si Ford. Papasok na sana siya sa loob ng buhay ng hindi niya makita si Ford. Pero, nahagip ng mata niya ang bulto ng isang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno at mukhang may ginuguhit.
Dahan-dahan siyang lumapit at nakita niyang si Ford ang nasabing lalaki.
May ginuguhit ito sa hawak na malaking note book. At dahil curious siya kong anong ginagawa nito. Ay dahan-dahan siyang lumapit ng walang ingay.
At nakita niya ang ginagawa nito. Gumuguhit ito ng isang babae na nakatalikod.
Hindi pa tapos ang ginuguhit nito pero gamit ang isang lapis at notebook. Pero, maganda ang bawat detalye. Mukhang fucos na fucos si Ford sa ginagawa kaya hindi nito napansin si Nejla.
Nakatalikod ang babae sa drawing na ginagawa ni Ford at bahagyang nakaharap sa kaliwa ang mukha ng babae. Pero, Hindi masyadong makita.
Nejla think that the woman in the drawing was Ford first love. Napakaswerte ng babae na 'yun. Nakaramdam si Nejla ng ingit dahil hanggang ngayon ang babae pa rin na 'yon ang nasa loob ng puso ni Ford.
Hinayaan niyang matapos ang ginagawa ni Ford nakatayo lang siya at tinitingnan ang ginagawa nito. Pero, hindi tinapos ni Ford ang ginawa at binaba nito ang hawak at naglagay ng earpiece sa tenga. Sumandal ito sa puno at pumikit.
Umalis si Nejla sa pagkakatayo at nagpunta sa kabilang bahagi ng puno at naupo doon. Pakiramdam niya biglang sumikip ang dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan.
Naririnig niya ang mahinang pag hum nito sa kanta.
Para bang may hinaharana si Ford sa boses nito. Kahit mahina ay naririnig ni Nejla.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...