Chapter 22
NAGISING si Nejla na para bang mahahati ang ulo niya sa sobrang sakit. Kaya sinubsob niya ang mukha sa unan at pinilit na matulog ulit.
Pero, Hindi pa siya ulit nakakatulog ng may maramdaman yumakap sa kanya.
Kaya gusto niyang imulat ang mata. Pero, dahil sa sobrang antok ay hindi niya magawang ibukas man lang ang mga mata.
Antok pa siya, Hanggang sa may sumiksik sa leeg niya at amoy amoyin siya don. When reality hits her ay agad siyang napamulat ng mata at nanlaki ito ng makita magkatabi silang dalawa ni Ford.
Umawang lang ang labi ni Nejla at hindi siya nakapagsalita. Nang makitang pareho silang dalawa ni Ford na walang saplot sa katawan.
Bumangon si Nejla at hinila ang kumot para takpan ang hubad na katawan.
Hinampas niya ang ulo ni Ford kaya agad itong napabangon at napamura.
"What?!" Nakahawak ito sa ulo na nasaktan. At nanlaki rin ang mata ng makita si Nejla.
"What happen?" Inangat ni Ford ang kumot kaya pinaghahampas ni Nejla si Ford. Hinila ni Ford ang kumot para ma takip niya sa katawan kaya natangay si Nejla at sumobsob sa ibabaw ni Ford.
Hinampas na man ni Nejla si Ford at hinila muli ang kumot. Kinuha naman agad ni Ford ang unan para takpan ang kahubdan.
"What happened Ford?!" Napahawak sa batok si Ford.
"I was drunk last night" Sabi ni Ford na parang wala sa sarili habang nagsasalita. Gusto ng maiyak ni Nejla dahil sa nangyari. Marami na siyang kasalanan kay Yatt at ito pa ang nangyari naibigay niya ang sarili kay Ford. At pareho pa silang hindi aware dahil sa kalasingan. Hindi niya alam kong paano siya nakarating dito sa condo ni Ford o si Ford ba ang nagpunta sa kanya. Hindi na niya alam!
Napasabunot din si Ford sa sariling buhok.
Ilang minuto ang lumipas ay nakatulala pa rin si Nejla at si Ford naman ay umalis sa kama at nagpunta sa banyo.
Nagkalat ang mga damit nilang dalawa ni Ford sa sahig. Tangkang aalis siya ng kama ng maramdaman niya ang sakit sa gitna niya.
Doon lang pumasok lahat sa utak niya totoo nga lahat ng nangyayari. Sinabunotan niya ang sarili bakit pa kasi siya nagpakalasing! Kung sana hindi siya lasing ay hindi mangyayari ang lahat ng ito! Ano pang mukha ang maihaharap niya kay Yatt sa nangyari.
Kahit na masakit ay bumaba pa rin siya sa kama. Gusto na niyang umalis. Pero, nanlumo lang siya ng makitang halos punit na ang damit na suot niya at hindi na niya maisusuot muli yun!. Hindi naman siya pwedeng tumakbo na kumot lang ang suot!.
Napalingon siya sa banyo ng lumabas doon si Ford na nakabihis na. Nagpupunas na lang ito ng buhok.
"Maligo kana, bibili ako ng damit mo" Nakatingin si Ford sa damit ni Nejla na hawak."And don't you dare skip. Mag-usap tayo"
Yun lang ang sinabi ni Ford at umalis na agad sa loob ng kuwarto. Si Nejla naman ay pumasok sa banyo para makaligo na. Paika-ika siyang naglakad hanggang makapasok sa loob.
Tumapat siya sa malamig na shower. Hindi siya makapaniwala na ginagawa niya ang katangahan na ito! Sa ilang taon niya sa mundo ay ngayon niya pa talaga nagawang makipag one night stand!
Pero, Hindi siya nandiri sa sarili. Oo naibigay niya ang sarili niya kay Ford. At may mga eksena na lumalabas sa utak niya. Maaring lasing siya pero, Ramdam niya ang nangyari. Hindi niya alam kong ilang minuto siya nagbabad sa shower hanggang may kumatok sa pinto.
"Nasa labas ang damit mo"kinuha niya ang towel na mukhang hindi pa nagagamit sa at ibinalot yun sa katawan niya. Nang buksan niya ang ang pinto ay may nakita siyang paper bag at laman noon ay damit. Agad magbihis si Nejla at pinuntahan si Ford. Natagpuan niya ito sa kusina at naghahain ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...