Epilogue

713 38 51
                                    

Epilogue

HAWAK ni Nejla ang cellphone at isa-isang tiningnan ang masasayang kuha nila ni Ford. Lahat yun ay mahalaga sa kanya. May ngiti siya sa labi habang nakatingin sa mga pictures.

"Ang dami mong sinabi sa akin. Hindi mo naman tinutupad. Alam mo bang gusto kong kumain ng mangga ngayon? Tapos wala ka naman dito!" Kausap ni Nejla sa picture ni Ford. Nakangiti ito doon na kinasimangot niya. Bumaba ang kamay niya sa maumbok na na tyan.

Hinaplos-haplos niya yun. At ninamnam ang simoy ng hangin. Dito na siya nakatira sa vacation house ni Ford.

Kailangan kasi niyang magpahinga ng mabuti dahil masilan ang pagbubuntis niya.

Walong buwan na ang tyan niya at hindi na siya nakakagalaw ng mabuti kaya nakaalalay ang Yaya ni Ford sa kanya. Gusto sana niyang maglakad-lakad sa labas kaya lang sumasakit ang balakang niya kapag ginagawa niya yun. Malaki ang tyan niya na akala ng iba ay manganganak na siya.

At masaya siyang malaman na kambal ang magiging anak nila ni Ford.

Yun ang pinakamasayang araw ng malaman niyang buntis siya. Parang nabayaran lahat ng sakit at lungkot ng malamang hindi siya magkakaanak ngayon ay sobrang saya niya at hindi lang isa dalawa pa.

"Akala ko na aalagaan mo ako, Hindi naman pala. Nakakainis ka talaga!!" maktol pa ni Nejla habang nakatingin pa rin sa picture ni Ford.

Umalis na siya sa kinauupuan at naglakad papunta sa lugar na gustong-gusto niyang puntahan. Sa likod bahay kung saan naroon ang swing. Uupo lang siya don at pinapakinggan ang huni ng ibon. Gusto na nga sana niyang matulog kaya lang hindi daw pwede. Baka kasi kapag patulog-tulog siya ay mahirapan siya sa panganganak.

Naupo siya sa swing at inayos ang pagkakatakip ng tila sa tyan niya.

Ang hirap pala talaga kapag buntis. Nang unang tatlong buwan ng pagbubuntis niya ay halos hindi siya makakakain ng maayos.

Naduduwal siya at pati pang amoy niya ay naging sensitibo. Bigla na lang siya naiinis at weird pa ang pagkain na gusto niya.

Paiba-iba pa siya ng mood na hindi niya mapigilan. Minsan nga ay naiinis na rin siya sa sarili. Pero, wala naman siyang magagawa.

Marami pang masakit na hindi niya malaman.

Habang inaalala ni Nejla ang pinagdanan niya. Napapaisip siya. Ano nga ba ang definition ng happy ending? Kapag nagmahal ka ay wala namang kataposan. At ganoon ang pagmamahal niya kay Ford. Kahit ang kamatayan ay hindi maghihiwalay sa kanilang dalawa. Hanggang humihinga siya ay si Ford lang ang mamahalin niya. Si Ford lang.

Hinaplos niya ang malaking tyan.

Lahat ng pagkakamali niya dati ay nabawi yun lahat dahil sa magiging anak niya. Alam niyang regalo ito sa kanya. At gustong-gusto niyang alagan hanggang sa pagtanda niya. Mamahalin niya ito higit pa sa pagmamahal sa sarili niya.

Umihip ang malamig na hangin at tinangay ang nakabalot na manipis na tili kay Nejla. Kaya tumayo siya at kukunin yun.

Kaya lang nahirapan siya. Nakayuko siya ng may kumuha ng tila para sa kanya at inabot yun sa kanya.

"Bakit nasa labas ka? Alam mo na ngang mahihirapan ka" Sumimangot lang si Nejla.

"Ano bang pakialam mo!" Natawa lang ang kaharap at hinaplos ang tyan niya.

"Babies nagsusungit ang mommy nyo."Hinampas ni Nejla ang kaharap at bumalik sa swing at naupo muli don.

Sumunod naman sa kanya ang lalaki at naupo sa katabing swing.

"Yatt! Gusto kong mag-isa dito. Kaya pwede na umalis kana!" Hindi ito umimik at umupo pa rin sa swing.

"Bakit nag-iisa ka dito?" Hindi umimik si Nejla. At binalik ang tela sa balikat niya.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon