Chapter 13
SAVING someone drowning at the same time you are also drowning, was a big step for Ford. Hindi niya alam kong saan patungo ang pagpayag niya na isalba si Nejla mula sa kalungkutan na kahit ang kanyang sarili ay hindi nga niya maisalba.
Nailing na lang si Ford sa sarili. Marahil baliw na siya o kaya naman ay tanga dahil sa ginawa niya.
Inayos niya ang pagkakasandal ni Nejla sa balikat niya. Nakapulupot ang mga braso ni Nejla sa bewang ni Ford. Nangangalay ang mga braso niya dahil lahat ng bigat ni Nejla ay nasa kanya.
Pero, Hinayaan niya itong magpahinga, Pakasakaling mahimasmasan ito mula sa kalasingan. Nagulat siya ng bigla umalis si Nejla mula sa pagkakasandal sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. At ipinipit ito sa mga kamay ni Nejla.
"A-alam mo ikaw! Nakakunot palagi ang noo mo kaya nga wala kang Girlfriend!" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ford.
"I have a girlfriend--"
"Shhh! Wag kang magsasalita! Wala kang Girlfriend, kong meron nasaan ba siya ngayon?" Tumayo pa ito at nakapamewang na humarap kay Ford. Pinagcross naman ni Ford ang mga braso sa kanyang dibdib at hinayaan lang si Nejla sa gusto nitong gawin.
"Nasa harap ko na siya" sabi ni Ford at tinuro pa si Ford si Nejla na nasa harap niya.
"Hindi! Alam mo may asawa na ako!" At biglang tumawa pa ng malakas si Nejla na parang baliw." Ah, Hindi ko pala siya asawa! Kasi iniwan niya ako" napatayo si Ford ng gumewang si Nejla at muntik ng matumba. Pero, itinaas ni Nejla ang kamay ng para pigilan si Ford sa paglapit.
"Still can't get over him?" Sumimangot si Nejla at pilit inaayos ang pagkakatayo. Pero, Sadyang dahil sa kalasingan ay hindi na ito makatayo ng maayos.
"Kasi maganda naman ako! Sexy! Wala naman akong mabahong hininga! Bakit ayaw niya sakin!" Natawa na lang si Ford. Sa ayos kasi ngayon ni Nejla ay mukhang ano mang oras ay babagsak na ito dahil sa sobrang kalasingan.
"Yeah, Let's go home" Hinawakan ni Ford ang pulsuhan ni Nejla at hinila ito papunta sa sasakyan niya. Pero, Nagpumiglas si Nejla at napangiwi si Ford ng kagatin ni Nejla ang braso ni Ford.
"Aist! At ngayon naging bampira ka naman?" Hinawakan ni Ford ng akmang kakagatin na naman ni Nejla ang braso niya.
"Ayaw ko pang umuwi! Tsaka hindi naman kita kilala!" Hinuli ni Ford ang dalawang kamay ni Nejla at hinila ito palapit sa kanya.
"Yeah right, Hindi mo ako kilala pero, Ginising mo ako para sunduin kita," Namunungay ang mga mata ni Nejla dahil na rin siguro sa kalasingan. Hindi niya alam na ganito pala ang babae kapag nasobrahan sa pag-inom. Makakalimutin.
"Diba sabi mo may Girlfriend kana? Bakit ka nandito? Dapat kasama mo siya" Mababang boses na sabi ni Nejla at bigla na lang na subsob sa dibdib ni Ford. Natawa na lang si Ford at binuhat si Nejla para maisakay sa kotse niya.
Para nang lantang gulay si Nejla ng maipasok ni Ford sa loob ng sasakyan. Inayos muna ni Ford ang pagkakabit ng seatbelt nito bago siya sumakay sa sasakyan niya.
Habang nagmamaneho pauwi ay panay ang sulyap ni Ford kay Nejla hanggang sa nagdilat ito ng mata. At nagsalubong ang mga tingin nila.
"Dapat kasama mo Girlfriend mo!" Hindi na lang pinansin ni Ford si Nejla at hinayaan niya lang ito." Ang init!" Napamura na lang si Ford ng mag-umpisa ng maghubad ng blouse na suot si Nejla.
"Nejla! Stop it!" Hinawakan ni Ford ang kamay ni Nejla ng magtangka itong maghuhubad.
"Ang init--"
"Lalakasan ko ang air-conditioned" Pero hindi pa rin napigil si Nejla at hinubad pa rin nito ang suot na blouse ng mabitawan ni Ford ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...