Chapter 21
HALO-HALO ang nararamdaman ni Nejla. Naguguluhan siya, natatakot, at kong anu-ano pa.
Para siyang baliw na naglalakad papunta sa office ng ama niya. Gusto niyang marinig mula sa bibig ng ama bago siya maniwala sa sinasabi ni Yatt.
Hindi yun gagawin ng Papa niya! Kaya nasampal niya si Yatt ng sabihin ni Yatt ang sinasabi nito. At umalis siya.
Gusto niyang malaman ang totoo! Agad siyang pumasok sa loob ng opisina ng Papa niya. At nakita niya ito ba abala sa mga paper works.
Hindi pa nga yata nito napansin ang pagpasok niya.
"P-papa.." That come out almost a whisper.
Nag-angat ng tingin ang ama ni Nejla. At nakakunot ang noo nito ng makita si Nejla.
"What are you doing here? Akala ko ba kakausapin mo si Ford--"
"Bakit mo ginawa yun?" She cut his words. Nagbabadya ang mga luha niya sa mata.
"What?" Nagsalubong ang kilay ng ama niya na para bang hindi naintindihan ang pinagsasabi niya.
"Bakit kailangan mong kausapin si Yatt?" Nakatitig sa kanya ang ama.
Tumulo ang luha sa mata niya ng makitang umiwas ng tingin ang ama.
"So, Totoo nga?" Napakagat si Nejla ng labi ng makita ang expresyon ng mukha ng kanyang ama.
"Nejla.. I need to do that--"
"For what?! Para masaktan ako? Para iwan ako ni Yatt? Para saan?!!" Nanginginig ang buong katawan ni Nejla dahil sa sobrang galit! Tumayo ang ama niya at bumuntong hinga.
"Because your too attached to him" Natawa ng mapakla si Nejla.
"Dahil lang don, Kaya pinili mong ipahiya ako sa harap ng maraming tao? I can't believe you can do this to me!"She feel so disappointed. Hindi niya akalain na magagawa ito ng ama niya. Wala naman kasi itong pagtutol sa kanilang dalawa ni Yatt. Pero, Bakit?
"I need to do that" Nejla was crying out her heart. She feel betrayed. Paano to na gawa ng Papa alam nito na mahal na mahal niya si Yatt. Alam nito kong ano ang isusuko niya para lang kay Yatt. Kaya niyang kalimutan lahat para sa pagmamahal na yun. Saksi ito sa lahat sa buhay niya.
"W-why?" Puno ng luha ang mukha ni Nejla. Wala na siyang pakialam kong ano man ang magiging mukha niya.
"Dahil nakakalimutan mo na ang sarili mo dahil sa kanya. At alam ko na sasaktan ka lang niya" Hindi niya matanggap ang rason nito. Dahil lang don?
"No Pa, Ikaw ang nakakalimot. Ikaw ang pinagkait sa akin ang maging masaya. Dahil lang minahal ko si Yatt? Kaya hinayaan mo na iwan niya ako? How could you!" Bago pa man niya makalimutan na ama niya ito ay tumalikod na siya.
"Nejla" Tawag ng ama niya sa kanya. Hindi siya nakinig at luhaan na umalis.
Sobrang sakit ng nararamdaman niya dahil sa ginawa ng Papa niya. Kahit puno ng luha ang mata ay kinalkal niya ang bag para makuha ang susi ng kotse. Pero, Dahil puno ng luha ang mata niya ay hindi niya ito makita.
Tinapon niya ang bag at naupo sa semento habang umiiyak.
She can't believe this is happening. Ang sarili pa niyang ama ang gagawa nito sa kanya. Hindi niya matanggap na hinayaan siyang masaktan ng ama para lang sa isang mababaw na dahilan.
Umiiyak si Nejla hanggang sa maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
"Nejla, Let's talk. Please" Nag-angat ng tingin si Nejla at nakita niya ang ama na nasa gilid niya. Bakas sa mga mata nito ang awa sa kanya. Gusto niyang isipin na may malalim na dahilan ito para gawin yun ng kanyang ama. Mula pa ng bata pa siya ay ang mapakanan lamang niya ang iniisip nito.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...