Chapter 29FORD'S WEDDING, Dapat masaya siya sa araw na ito. Kasi ikakasal na siya. Pero, bakit hindi niya magawang maging masaya. Nakatayo si Ford sa harap ng altar at inihintay ang mapapangasawa niya. Puno ng ngiti ang mga taong naroon. Present lahat ng mga kamag-anak niya. Kahit ang iba ay hindi na niya kilala ay naroon at sasaksi sa pag-iisang dibdib ni Ford at Madeline. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na masundan ni Ford kung ano ba talaga ang nangyari. Bakit humantong siya sa kasalang ito.
Nasa tabi niya si Joshua na bestman niya. It's been a week mula ng magkausap sila ni Nejla.
Pero, Ramdam niya pa rin ang pagkamiss niya dito. Sinulyapan niya ang mukha ni Joshua. Magkasalubong ang kilay nito. Far from funny Joshua. Hindi ito nagsasalita kanina pa.
Nandoon din si Bryan at Shone. Pero, walang ngiti sa mga labi nito. Nakatingin si Bryan at Shone sa kanya. Na para bang humingi ng explanations. Kahapon lang ay sinabihan niya ang mga kaibigan na ikakasal na siya. At hindi niya maexplain ang gulat sa mga mukha nito dahil sa sinabi niya.
"Are you really sure with this?" Bahagyang sumulyap si Ford kay Joshua.
"I am..." Sigurado man siya o hindi, wala na naman atrasan pa ang kasal na ito.
"Why are you doing this? Do you love her? I thought it was Nejla--"
"This is for her. I'm doing this all, For her" Nawala lahat ng emosyon sa mukha ni Ford ng bumukas ang pinto.
Parang nagbalik sa alaala ni Ford kong gaano kaganda si Nejla. Noong araw ng kasal nito. I have responsibility to protect her. At kung ang kapalit ng magandang buhay ni Nejla ay ang kalayaan niya ay kaya niyang magsakripisyo para kay Nejla.
Napuno ng musika ang simbahan ng papasok na si Madeline.
Madeline was beautiful with her white dress. Pero, iba ang nasa isip ni Ford. Iba ang babaeng iniisip niya na makasama sa kasal niya.
Nakatingin si Madeline kay Ford. Hindi mabasa ni Ford kung anong emosyon sa mukha ni Madeline. Hindi magawang ngumiti ni Ford. Tinapik ni Joshua ang balikat ni Ford.
"Ngumiti ka naman, kasal mo ngayon. Pero, bakit Biyernes santo naman yang mukha mo?" Umiling si Ford. Mula sa araw na to pangako niya sa sarili iisang babae lang ang magiging laman ng puso niya. Kahit anong pilit naman niya hindi naman talaga maalis sa puso niya si Nejla.at alam yun ni Madeline. Puno ng ngiti ang mga magulang ni Madeline na para bang nanalo. Of course after all sila naman ang may pakana ng lahat ng ito.
Nang makarating si Madeline sa harap ni Ford at ibinigay ang kamay ni Madeline kay Ford. Pero, nanatiling nakatayo si Ford at hindi man lang gumalaw.
"Ford Agustin ang pinag-usapan natin baka hindi mo natatandaan?" Ngumisi ang ama ni Madeline. Yumukom ang kamao ni Ford. At kinuha ang kamay ni Madeline. Ngiting tagumpay naman ang ama ni Madeline.
"I'm sorry, Ford. Alam mo naman na hindi ako makakatangi kay Papa--"
"Let's get this over" Nadiin na sabi ni Ford. Nang sulyapan ni Ford si Joshua ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya.
Inalalayan naman ni Ford si Madeline papunta sa upuan nila. Nagsimula ng magsalita ang pare. Pero, wala naman yatang naintindihan si Ford sa lahat ng mga sinasabi nito.
Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Ford. Pero, inalis yun ni Ford. Padilim ng padilim ang mukha ni Ford. Habang tumatagal ang kasal. Lumingon siya sa mga kaibigan at kumaway naman si Joshua sa kanya. At nakangiti na ito ngayon. Kumunot ang noo ni Ford ng makita ang ngiti ng tatlo. At nag thumbs up sa kanya.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...