Chapter 24
Yatt is not allowing Nejla to go out. At inis na inis na si Nejla dahil don. Palagi kasing nasa condo niya si Yatt.
Ayaw siya nitong palabasin. Magkatabi silang naupo sa sofa at nakatingin si Yatt sa kanya.
"Gusto kong lumabas--"
"I want to be with you."Tinitigan ni Nejla si Yatt. At hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang spark na dati niyang nararamdaman sa nobyo.
Yung sobrang sayang pakiramdam kapag nakikita niya ito. Mayroon na siyang conclusion sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Kaya lang gusto niyang itanggi. Pero, Sarili na mismo niya ang nagsasabi sa kanya.
Naisampal na sa pagmumukha niya ang katotohanan. Lumapit siya hinawakan ang mukha ni Yatt. Pagkatapos ay hinalikan niya ito. Gumanti naman ng halik si Yatt sa kanya.
Gusto niyang sukatin ang nararamdaman. Kaya hinayaan niyang halikan siya ni Yatt. Gumati siya ng maalab na halik. Pero, Bigla siyang napalayo kay Yatt ng pumasok sa isip niya si Ford. Ang mga halik nito ay klarong-klaro sa isip niya.
"What's wrong?" Naguguluhan tanong ni Yatt. Umalis si Nejla sa pagkakaupo at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng tubig at uminom.
Ngayon alam na niya ang sagot. Ngayon klaro na sa kanya ang lahat.
Bumalik siya sa sofa kong saan nakaupo si Yatt.
"Let's talk." Nagsalubong ang kilay Yatt.
"Anong pag-uusapan natin?" Seryosong sabi ni Yatt. Huminga ng malalim si Nejla.
Nanlalamig ang mga kamay niya at hindi nga niya alam kong paano ba sisimulan ang kailangan niyang sabihin.
"Y-yatt..." Nakafucos ang buong atensyon ni Yatt at naghihintay na kong ano man ang sasabihin ni Nejla."I don't know how to start this--"
"Straight to the point babe, You know I hate--"
"Mahal ko na siya"Putol ni Nejla sa sinasabi ni Yatt. Natahimik si Yatt at biglang natawa.
"Nagbibiro ka lang di'ba?" Umiling si Nejla. Tumayo si Yattt hindi makapaniwala na binalingan ng tingin si Nejla.
"Naging kayo lang ng isang buwan, Mahal mo na siya?!" Hindi yumuko si Nejla o nag iwas man lang ng tingin. Siguro nitong mga nakaraang araw ay magulo ang utak niya at hindi niya alam kong sino ang laman ng puso niya. Pero ng makasama niya si Yatt ng ilang araw sa condo niya. Dahil hindi ito umuwi at para itong guwardiya na nakabantay sa kanya. Na realize niya na. Hindi pala si Yatt ang na miss niya. Kong di ang memories na gusto niyang ibalik. Nanghihinayang siya sa mga taon na pinagsamahan nila. Nanghihinayang siya na bitawan ang meron sila dati. Pero, Nakomperma niya sa sarili na may iba na.
Kahit anong pilit niyang baguhin, Kahit anong pilit niyang tapalan ang pagmamahal niya kay Ford ay mas lalo lamang yun tumitindi at gustong kumawala. Sobrang namimiss niya si Ford.
Gusto niya itong yakapin at halikan. Sa sobrang tindi ay gusto niyang mabaliw dahil puro si Ford na lang ang naiisip niya. Nasa harap niya si Yatt. Pero, Si Ford ang iniisip niya.
Oo minahal niya si Yatt. Pero, Nagpakabulag siya nong minahal niya si Yatt. Nagpakatanga sa lahat ng bagay. Hinayaan niyang dektahan siya nito. Pero, ngayon mulat siya at gusto niyang makasama si Ford.
"I'm sorry, Yatt" Nagulat si Nejla ng halikan siya ni Yatt at sa sobrang diin non ay halos magsugat na ang labi niya. Pilit na tinulak niya si Yatt. Pero, malakas ito at hinawakan ang kamay niya. Mahigpit ang hawak nito na halos maiyak na siya sa sakit.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
General Fiction"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...