Chapter 11FORD felt relive ng makaalis sila sa restaurant ng hindi namamalayan nila Shone at Xiamara. Para bang may sariling mundo ang dalawa.
"Ngayon alam ko na kong bakit nagustuhan mo ang babaeng yun. Ang ganda niya pala talaga.
Gusto niyang takpan ang bibig ni Nejla dahil sa kaingayan nito. Pero, Hinayaan niya lang ang babae.
"Pero, alam mo kitang-kita sa mukha ng dalawa na inlove na inlove sila sa isa't isa." Hindi umimik si Ford at nakapamulsa lang siya habang papunta sa sasakyan niya.
"Kasi naman! Bakit hindi ka na lang mag move--"
"Di mag move-on ka rin" nakita ni Ford na natigilan ang babae. At bigla itong nanahimik. Huminto si Ford at tiningnan ang babae.
"Easy to say but, Hard to do. Right?" Tinapik niya sa balikat si Nejla. Wala naman kasing madaling paraan para mag move-on. Hanggang ngayon masakit pa rin. Kaya lang tanggap na niya sa sarili niya. Alam na niya. Kaya ang ginagawa niya ay inaaliw ang sarili nagbabakasakali na mawawala rin ang nararamdaman niya para sa babaeng minahal niya dati ng palihim. Alam niya kasi na nagtataksil siya sa kaibigan.
"Bakit kaya ganoon, Bakit ang hirap tanggapin na hindi kana mahal ng taong mahal mo?" Bilang tanong sa kanya ni Nejla.
"Let's not talk about it, You want to join me on a road trip? Let's not talk about business or heart break this time" Nag-angat sa kanya ng tingin si Nejla.
"Saan naman tayo pupunta?"
"I don't know," Mas lalong sumimangot lang si Nejla. Nagpatuloy sa paglalakad si Ford. Papunta sa kotse niya. Sumunod naman si Nejla sa kanya.
"So, Where are we going?" Tanong ni Nejla kay Ford ng makapasok sila sa loob ng sasakyan.
"To the place that we can enjoy ourselves" Tumingin si Ford kay Nejla.
"Hindi ko gusto yang paraan ng pagtingin mo sakin" humalukipkip si Nejla.
"What?" Takang tanong ni Ford. Kumunot ang noo ni Ford. Wala naman siyang ginawa sa babae. Ano ba ang paraan ng pagtingin niya dito?.
Pinaandar na lang niya ang sasakyan. Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng isip ng mga babae.
WITHOUT destination. Nag drive lang si Ford hanggang makarating silang dalawa ni Nejla sa gilid ng kalsada kong saan malapit sa dagat.
Bumaba si Ford kaya wala ng nagawa si Nejla kong di sumunod kay Ford.
"Ano ba talagang trip mo? Gusto mo lang yata mag muni-muni sinama mo pa ako!" Sa totoo lang walang maisip si Ford na puntahan na lugar. Hindi kasi siya mahilig lumabas. Kadalasan ay nasa opisina lang. Hanggang madaling araw. Uuwi sa bahay matutulog at pag-umaga magtatrabaho na naman ulit. Sinasabi nga ng mga kaibigan niya. Boring siyang tao.
Kaya palagi siya ang pinagtitripan ng mga kaibigan niya.
"I don't have place in mind," Nakatayo lang si Ford. Nagulat siya ng hinablot sa kanya ni Nejla ang coat na dala niya pala. Nilapag ito ni Nejla at umupo siya don.
"Wala rin akong maisip." Umupo si Nejla. Kaya walang nagawa si Ford di maupo na rin.
Ilang minuto silang natahimik dalawa, Hanggang nagsalita si Nejla.
"I always wish na nandito si Yatt" Napalingon si Ford kay Nejla na nakatingin sa malayo.
"He hurts you and you wish that he is here?" Tumango si Nejla.
"Gustong kong marinig ang paliwanag niya. Hindi naman kailangang bumalik siya sakin. Ang gusto ko lang marinig anong dahilan."Tinangay ng hangin ang buhok ni Nejla ng humangin ng malakas.
BINABASA MO ANG
Found Someone(Completed)
Fiction générale"You're asking me if I love you? And what if I said YES. Would you stop loving him?" ---- Hindi ang haba ng taon ng pagsasama ang makakapasabi kung kayo talaga hanggang huli. Hindi ang haba ng paghihintay ang makakatukoy kong saan ka hihinto sa pag...