Chapter 38

393 22 34
                                    

Chapter 38

MARRIAGE.. Kasal, Isang salita na pinagbigkis ang dalawang tao. Habang nakatanaw si Nejla sa labas ng simbahan kung saan hindi natuloy ang unang kasal ay hindi mapigilan ni Nejla ang kabahan. Maraming pumapasok sa utak niya.

Para siyang nabibingi sa katahimikan sa loob.

Humigpit ang hawak niya sa bulaklak na nasa lap niya. Nag-iisa siya sa loob ng sasakyan. At hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng simbahan.

Gusto niyang lumabas at tanungin ang wedding planner kung bakit halos isang oras na siyang nakaupo lang sa loob ng sasakyan at hindi pa rin nagsisimula ang kasal niya.

Pero, nanatili lang siyang nakaupo at hindi nag-iisip ng kahit ano. Binuksan niya ng bahagya ang bintana ng sasakyan. Dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya sa loob dahil na rin sa dami ng pumapasok sa utak niya.

"Wala pa rin ang groom?" Narinig ni Nejla na tanong ng isang babae. Halos mabingi si Nejla sa narinig.

Ibig sabihin kaya hindi pa nagsisimula ang kasal dahil wala si Ford sa loob ng simbahan? Nanginig ang kamay ni Nejla at agad sinara ang bintana.

Gusto niyang umiyak at magwala. Kaya lang hindi yun ginawa ni Nejla.

Baka nagbago ang isip niya?

Mas lalong sumikip ang dibdib ni Nejla dahil sa naisip. Mas masakit pala ito.

"Hindi talaga ako maswerte sa kasal. Hindi na nga ako magkakaanak, Hindi pa magkakaasawa" Huminga ng malalim si Nejla. Napangiti siya ng mapait. Pakiramdam niya ay nagiging sumpa yun sa kanya.

Akala ba niya okay na ang lahat. Pwede na. Pero, hanggang sa huli ay hindi pa rin pala siya sasaya.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas. Itinulak niya ang pinto ng simbahan at nakita ang nagkakagulong mga tao sa loob. Nandoon ang mga kaibigan at kamag-anak ni Ford. Nandoon si Yatt at ang pamilya nito. Pati na ang pinsan ni Ford ay nandoon. Ang mga kakilala at kaibigan ni Nejla ay nandoon din.

Tumuon ang atensyon ni Nejla sa ibaba ng altar kung saan sana naghihintay si Ford. Pero, wala siya doon. Natahimik ang lahat sa pagpasok niya. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Pero, hindi niya makuhang maiyak. Gusto niyang intindihin si Ford. May karapatan itong hindi sumipot sa kasal. Hindi niya ito sisihin sa hindi pagsipot.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa altar. Nakasunod ang mga mata ng mga tao sa kanya.

Tinatagan ni Nejla ang loob. Lumapit sa kanya ang ina at pinigilan siya sa paglalakad.

"Anak, alam ko darating si Ford." Ngumiti si Nejla at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang makarating siya paanan ng altar. Kinuha niya ang upuan sana nila ni Ford at naupo doon paharap sa may pinto.

"Nejla, what are you doing?" Tanong ni Joshua na siyang nasa tabi niya ngayon.

"I will, wait for him. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya nakikitang pumapasok sa simbahan." Walang nagawa ang mga tao sa loob ng simbahan kung 'di hayaan si Nejla sa gusto nitong gawin.

Ilang minuto ang lumipas.  Pero, walang Ford ang dumating. Nawawalan na si Nejla ng pag-asa na narating pa ito. Nag-alisan na rin ang mga bisita at ang natira na lang ay ang mga pamilya at kaibigan nila. Tumabi si Jessica kay Nejla.

"Matatag ka, hindi ka umiyak ngayon. Hindi ka pa uuwi at maglalasing tayo?" Umiling si Nejla at tiningnan ang kaibigan.

"Kapag hindi siya dumating ngayon. Palalayain ko siya, Alam kong mas magiging masaya siya kapag kasama ang taong mabibigay sa kanya lahat. At hindi ko siya pipigilan sa mga gusto niyang gawin" Walang kahit anong makikitang lungkot sa mga mata ni Nejla habang nagsasalita ito.

Found Someone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon