A.N.
Happy reading po :) please vote and leave your comments. Thank you
_________________________________
Chapter 2
Hindi mapakali si Emer sa kanyang kwarto kailangan nyang makapag-isip ng paraan para makumbinsi ang mga magulang na tuparin ang matagal na nyang pangarap ang maging isang sikat na fashion designer.
Inihanda na nya ang kanyang sarili para sa pagsisimula ng negosyo pero nitong nakaraang linggo ay nagkasagutan silang ama.
Ibinagsak ni Emer ang katawan sa malambot nyang kama at hinawakan ang kanyang sintido. "Oh God! anong gagawin ko." frustrated na daing nya.
Gustuhin man nyang suwayin ang mga magulang ay hindi nya magagawa dahil kailangan nya ang mga ito, wala pa syang sapat na capital para sa binabalak na negosyo. Lalo lamang syang nalungkot ng maisip ang tungkol sa kanyang financial status.
"I have to talk to my sister, she might help me dahil sya naman ang may kasalanan nito." parang luka luka nyang kinakausap ang sarili.
Dali dali nyang dinampot ang telepono sa kanyang tabi hindi na nya kayang ipagpabukas ito. Ang tagal bago may sumagot sa kabilang linya.
"Hello" parang tinatamad na boses ng kanyang ate.
"Ate, this Emer." bungad nya dito
"Oh My God Emerald! hindi mo ba alam kung anong oras ngayon dito? siguraduhin mo lang na importante yang sasabihin mo." parang naiinis ang boses ni Emily dahil naistorbo ang kanyang pagtulog.
Nakagat ni Emer ang pang-ibabang labi she's hoping that Emily will grant her request.
"Ate I need your help, si Papa gusto nyang ako ang magmanage sa rancho. You know me hindi ko kakayanin ito." parang bata nyang sumbong.
"Sorry sis, dapat ako ang nasa situation mo ngayon." parang biglang nawala ang antok ni Emily ng marinig ang malungkot na boses ng kapatid.
"Ate ano na ang gagawin ko?"
Napabuntonghininga si Emily,dahil sya rin ay hindi alam ang gagawin. Ngayon sya nakokonsensiya sa ginawa sa kapatid. Dahil sa pagmamahal nya sa asawa ay sumama sya dito sa Canada at kinalimutan ang mga naghihintay na responsibilidad sa kanya.
"Susubukan kong kausapin si Papa baka maintindihan nya. Kaya mo bang pagsabayin ang rancho at ang itatayo mong negosyo?" paninigurado ni Emily sa nakababatang kapatid.
"Oo naman, hindi ko pababayaan ang rancho si Papa lang naman ang walang tiwala sa akin." medyo nabuhayan ng loob si Emer.
She's crossing her finger now and hoping that her father will listen to her sister.
"Thanks Ate, sige tulog ka na ulit."
"Emer wait..." pigil ni Emily sa kapatid
"Huh? Why?" nagtatakang tanong ni Emer sa kapatid.
"Do you still remember my bestfriend? si Althea Salvador?" Hindi rin alam ni Emily kung paano hihingian ng pabor ang kapatid. Alam nyang may mga personal din itong problema sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.