Chapter 47 part 1

107K 1.7K 72
                                    

Chapter 47 part 1

"Mama, I'm nervous." sabay kapit ni Emer sa braso ng ina habang papunta sila sa study room. 

Pinatawag ni Gerardo ang kanyang mag-iina para ipaliwanag ang kalokohang pinasok ni Emer. 

"Just understand your father. May punto siya kung bakit siya galit sa ginawa natin." paliwanag ni Eliza sa anak. 

Inabutan nilang seryosong nagbabasa si Gerardo at sadyang hinihintay sila nito. 

"Where is Emily? Alam ko na may nalalaman din siya tungkol dito." mababakas pa rin ang galit sa tinig nito. 

"Papa, susunod na siya. She's just discussing something to her husband." sabay upo nito sa silyang katapat ng ama.

Umiiling si Gerardo ng tapunan ng tingin ang anak. Hindi siya nagbitaw ng kahit anong salita, ayaw rin naman niyang nakikitang nasasaktan ito. 

"Sorry, may mga inasikaso lang ako." humihingal pa si Emily ng bumungad sa kanila. Umupo ito sa tabi ng ina. 

"Sweetheart, sana naman maintindihan mo ang anak mo." simula ni Eliza. Tumayo sa tabi ng asawa at hinawakan ang balikat nito. 

"Kaya nagkakaganyan ang mga anak mo dahil lagi mo silang kinakampihan." sabay buntong hininga nito.

"Papa, I'm sorry. Ako ang may kasalanan hindi ako nakinig kay mama but right now I'm doing my best para maituwid ang mga pagkakamali ko." nangingilid na ang luha ni Emer, konting konti na lamang ay maiiyak na siya.

"Emerald, hindi ako galit sayo. Nagagalit ako sa ginawa ninyo sa akin dahil ang pakiramdam ko ay wala akong kwenta sa inyo." pagpapaintindi ni Gerardo sa anak. "Pakiramdam ko rin ay pinagkaisahan ako ng buong pamilya ko." patuloy nito.

"I was scared to tell you kasi baka sumbatan mo ako. Dahil kung sinunod ko kayo na tumulong na lang dito sa rancho ay hindi mangyayari ang lahat ng ito." tuluyan ng napaiyak si Emer. 

Tahimik lamang na nakikinig si Emily, humahanga din siya sa katatagan ng kapatid. Siguro kung sa kanya nangyari ito ay tuluyan na lamang siyang lalayo sa pamilya para hindi sisisihin sa pagkakamali niya. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon