Chapter 35 part 2
"Ayusin mo na ang sarili mo and let's go downstairs para makausap mo sina tita Divina." muling sabi ni Jesica sa kaibigan.
Nasa hagdan pa lamang sila ay may mga naririnig na silang mga taong nag-uusap sa living room. Mahigpit na hinawakan ni Jesica ang kamay ni Emer para palakasin ang loob nito.
Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Emer bago patuloy na bumaba.
"Hija, mabuti bumaba ka na." nakangiting salubong sa kanya ni Divina. "Ipakilala mo itong maganda mong kaibigan mo kay Vincent para matigil ang pagkakahumaling dun sa ex-girlfriend niya."
Biglang namula si Jesica sa narinig mula sa ginang, kung alam lang nito kung ano ang kaugnayan niya kay Vincent baka ni anino niya ay hindi makatuntong sa mansion ng mga Almonte.
Habang si Eliza naman ay mataman niyang pinagmamasdan ang anak, alam niyang may gustong sabihin ito sa kanila. Akmang lalapitan niya si Emer ng biglang dumating ang humahangos na si Dennis.
Nanlamig ang buong katawan ni Emer pagkakita kay Dennis.
"Sorry guys, medyo natrffic ako." mabilis itong lumapit kay Emer at inakbayan ang dalaga.
Naramdaman ni Dennis na napaigtad si Emer sa ginawa niya.
"Hindi ka na nahiya, ang bride mo pa ang naghihintay sayo. Kanina pa si judge Mendoza." panenermon ni Francis sa anak.
"Balae sorry for this." muling baling ni Francis kay Eliza na tahimik lamang na nagmamasid sa mga nangyayari.
Tumango lamang si Eliza dahil sa kasalukuyan ay takot ang nararamdaman niya para sa anak.
"C-can we talk for a while?" hindi mapigilan na mag stammer si Emer ng lingunin si Dennis na nakatitig sa kanya.
Iginiya siya ni Dennis sa library at pinaupo sa silyang naroroon.
"Anong sasabihin mo? I'm waiting." sabi ni Dennis habang hinihintay na magsalita si Emer.
"I think...." halos hindi madugtungan ni Emer ang kasunod.
"What Emer?! ano naman bang kaartehan ito?" inis na sabi ni Dennis.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.