Chapter 27 part 2
"Emer, hija mabuti nakarating ka na, kanina pa kita hinihintay." nakalahad ang mga kamay ni Divina. Sinalubong nito si Emer at niyakap.
Naiilang man si Emer sa ginang ay ginanatihan nya rin ng yakap ito. "Medyo traffic po kaya natagalan ako." paliwanag dito ni Emer.
"That's okay, naiipit din sa traffic si Vincent." Sabay na silang nagtungo sa garden. Gusto munang makausap ni Divina ng sarilinan si Emer bago sila pumasok, nag-aalala sya na baka bigla na lang sumulpot ang anak at mabisto sila sa kanilang mga plano.
"Na inform po ba si Vincent about our plan?" alinlangan tanong ni Emer nang makaupo na sila sa garden set na naroroon.
"Don't worry about Vincent nakausap ko na sya."
Tumango na lamang si Emer. Medyo kinakabahan sya sa gagawin nila, baka kapag nalaman ito ni Dennis ay lalo siyang kamuhian nito.
"Is Dennis coming?" hindi na natiis na tanong ni Emer. Kahit naman magaspang ang pakikitungo sa kanya ng binata ay kinasasabikan niya pa ring makita ito.
"Kaya nga dito kita dinala baka marinig tayo ni Dennis kung sa living room tayo mag-uusap. I was surprised kasi maaga siyang umuwi." Nakangiting balita ni Divina.
"Mama sa tingin ninyo tama ba itong gagawin natin?" kinakabahang si Emer.
"Don't tell me na magbaback out ka pa? Nandito na tayo hija kailangan nating ituloy ito." pilit na pinapalakas ni Divina ang loob ni Emer.
Hindi pa nakaksagot si Emer ng may dumating na isa pang sasakyan.
"Oh, its Vincent." excited na sabi ni Divina. "Sandali lang sasalubungin ko sya." nagmamadaling tumayo ng ginang.
Habang nakaupo ay sinundan niya ng tingin si Divina gusto rin niyang malaman kung ano ang hitsura nitong si Vincent. Medyo malayo ang dalawa mula sa kinaroroonan niya kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng binata. Pero kung ang pagbabasehan ay ang tindig nito masasabi niyang may ibubuga ito kay Dennis.
Habang papalapit ng papalapit sina Divina at Vincent sa kinaroroonan ni Emer ay lalo namang siyang kinakabahan dahil sa gagawin nilang pagpapanggap sa harap ni Dennis. Napasinghap si Emer ng tuluyan ng makita si Vincent, napakagwapo nito at kung sino mang babae ay talagang maghuhumaling dito.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.