Chapter 32 part 1

134K 1.4K 70
                                    

Chapter 32 part 1

"Can I talk to Mr. Dennis Almonte?" bungad ni Eliza sa secretary ni Dennis.

"May I know your name ma'am?" magalang nitong tanong.

"I'm Mrs. Eliza Ignacio." seryoso ang mukha ng ginang. 

Mabilis na kinuha ng babae ang intercom para ipaalam sa boss ang tungkol sa bisita. Kailangan niyang asikasuhin ang ginang kahit walang appointment sa boss dahil itinawag sa kanya ang tungkol dito ni Donya Divina.

Galit ang boses ni Dennis ng abuting ang intercom. "Lisa I've told you na hwag mo akong iistorbohin." 

"Sir may bisita po kayo dito a certain Mrs. Ig...." hindi pa natatapos ni Lisa ang sasabihin ng singhalan na naman siya ng boss.

"Hindi ako tatanggap ng bisita for today I'm busy." binagsak pa ni Dennis ang telepono. 

Inis na ibinalik niya ang atensiyon sa mga binabasang documents, masyad syang stress mula pa kaninang pagpasok niya dahil nagkakaproblema sila sa expansion nila sa Singapore kaya kailangan ang isa sa kanila ni Vincent para magsupervise doon. Sa sitwasyon niya ngayon ay hindi pa siya maaaring umalis ng bansa kailangan muna niyang asikasuhin ang kasal nila ni Emerald. 

Pagkaalala sa babae ay wala sa loob na napailing si Dennis. Kinabahan siya ng marinig mula sa dalaga na umuurong na ito sa kasal nila at ito ang bagay na hindi niya mapapayagan. Huli na ang lahat para hindi matuloy ang kasal nila.

Samantalang si Eliza naman napansin niya na ayaw makipag-usap ni Dennis.

"Hija, ayaw ba magpaistorbo ng boss mo?" nakangiti nitong tanong.

"Ma'am pasensiya na po." hinging paumanhin nito.

"I understand but I really need to talk to him, don't worry ako ang bahala sayo if he'll fire you mabibigyan kita ng trabaho." pangungumbinsi ni Eliza.

Napangiti si Lisa sa sinabi ng ginang kanina niya pa pinagmamasdan ito dahil parang may naaalala siyang kahawig ni Mrs. Ignacio.

Kumatok si Eliza ng dalawang beses at ng walang sumagot ay itinulak na niya ang pinto. 

"Ilang beses ko pang sasabihin sayo Lisa that I'm busy at ayaw ng istorbo!" galit na hasik ni Dennis ng maramdaman na bumukas ang pinto. Nakatutok ang mga mata nito sa laptop na nasa ibabaw ng kanyang executive table.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon