Chapter 13
Pagpasok sa restaurant ay agad na pumuwesto sina Dennis at Michelle sa bakanteng mesa sa medyo dulo.
"Ang dami palang kumakain dito." sabi ni Dennis habang pinaghihila ng upuan ang kasama.
"I told you, masarap lahat ang food dito and I heard sa US pa daw nag-aral ang chef nila. Kaya the best ang lahat ng pagkain na sineserve." pagbibida ni Michelle.
Inilibot ni Dennis ang tingin sa buong restaurant at laking gulat nya ng makita si Emer na nakaupo sa di kalayuan. Nagtama ang kanilang paningin at hindi masabi ni Dennis kung anong klaseng emosyon ang nakita nya sa mga ni Emer.
Mabilis naman na iniiwas ni Emer ang paningin kina Dennis at sa kasama niyang babae. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero may nararamdaman syang kirot.
Mabuti na lang dumating na ang isa nilang kaibigan kahit paano ay may makakausap sya habang busy pa si Jesica.
"Emer! kahit kailan talaga you're always on time." nakangiting bungad ni Toffer at hinalikan pa nito si Emer sa pisngi.
"Wow! bakit mukhang lalaki ka ngayon?" nang-iinis na sabi nya.
Hinila pa ni Toffer ang upuan para lalong mapalapit kay Emer. Kung titingnan silang dalawa ay parang napasweet couple nila.
"Sa America lang ako pwedeng magladlad gurl. Alam mo naman dito grabe ang gender discrimination." Tinitigang mabuti ni Toffer ang kaibigan bago nagsalita muli. "But infairness Emerald ang beauty mo ngayon mukhang may fafable ka na." pabulong na sabi ni Toffer.
"Tigilan mo nga ako and for your information Christoffer Apostol matagal ko ng alam na maganda ako." nakalabing sabi ni Emer.
Kahit paano ay nabawasan ang inis na nararamdaman ni Emer pero hindi pa rin niyang maiwasang mapatingin sa gawi nina Dennis. Hindi nakaligtas kay Toffer ang pag-ismid ni Emer.
"Hmmm, friend do you know him?" sabay nguso pa ni Toffer kay Dennis.
"No." maikling sagot ni Emer.
"Eh bakit parang nagseselos ka dun sa magandang bruhang kasama nya." alam ni Toffer na may inililihim ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.