Chapter 39 part 1
Masyadong busy si Emer ng araw na yun. Ni rereview niya ang book of accounts ng kanilang rancho, nagulat pa siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. May picture message sa kanya si Toffer sa viber.
Halos mamutla siya ng makita si Dennis na kumakain sa isang restaurant habang masayang nakikipag-usap sa kanyang ex-girlfriend. Ilang minuto rin siyang natulala at pilit na pinigilan na hwag umiyak dahil ayaw niyang abutan siya ng kanyang Papa sa ganung ayos. Dinampot niya ang kanyang telepono at sinubukang tawagan ang kaibigan.
"Toffer, I saw it." nanghihinang sabi ni Emer.
"Ayaw naming saktan ka sis, but you have to face the reality. Hindi ka mamahalin niyang asawa mo dahil hanggang ngayon mahal niya pa rin ang ex niya." paliwanag ni Toffer sa kanya.
"You're right, it's my fault dahil hindi ako nakinig sa inyo." malungkot niyang sabi
"He's talking with Jesica right now, iniwan ko sila sa loob ng restaurant. It's not proper naman na marinig ng bata ang pagtatalo namin."
"Dapat hindi na ninyo siya kinompronta, ako na lang ang bahalang makipag-usap sa kanya." nahihiya na si Emer sa mga kaibigan dahil pati ang mga ito ay nadadamay sa problema niya.
"Sis, tapos na si Venice, we'll call you later. Hwag mong iyakan ang lalaking yun, he doesn't deserve you." paalala ni Toffer kay Emer.
Nanghihinang napasandal si Emer sa swivel chair niya at mariing pinikit ang mga mata para makapag-isip ng maayos sa mga susunod niyang gagawin.
"Emerald!" malakas na tawag ni Eliza sa anak habang hawak nito ang kanyang cellphone.
Biglang napatayo si Emer para salubungin ang naghehesterikal na ina. "Mama, what's wrong?" nag-aalala niyang tanong dito.
"This is wrong!" halos ipagduldulan niya sa mukha ni Emer ang cellphone. Ang magaling niyang kaibigan, pinadalhan din ng litrato ni Dennis ang kanyang Mama.
"Mama, calm down. I will talk to him about that picture."
"You'll talk to him? hiwalayan mo ang lalaking yan. Hindi ko siya matatangap to be part of our family!" galit na galit na sabi ni Eliza.
Kitang kita ni Emer na hindi nagbibiro ang kanyang Mama at kilala niya ang ugali nito na may isang salita.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.