Chapter 26 part 2

141K 1.6K 98
                                    

Chapter 26 part 2

"She can't come." matatag na sabi ni Dennis.

"Naka Oo na ako sa Mama mo." mahinang sabi ni Emer. 

Naramdaman ni Divina na gustong makausap ng sarilinan ng anak si Emer. Lihim din siyang nangingit dahil ngayon pa lang ay nararamdaman na niyang magiging matagumpay ang mga plano niya.

"Hijo, iiwan ko muna kayo ni Emer para makapag-usap but promise me na wala kang gagawin na masasaktan si Emer." 

"Don't worry Mama, hindi kami mag--away." pagbibigay assurance ni Dennis.

Tumango lang ang ginang at tinapik sa balikat si Emer bago lumabas.

Kalalabas pa lang ni Divina ay ang nagmamadaling si Toffer naman ang dumating. "Emer, what hap.." hindi na nito naituloy pa ang sasabihin pagkakita kay Dennis. 

"Oh sorry may bisita ka pa pala. I'll see you later." tumalikod na si Toffer.

Pagkalabas ni Toffer ay madilim ang mukha ni Dennis. "I've told you ayoko ng nakikipagkita ka sa lalaking yun." 

Tumayo si Emer at nilampasan lamang ang binata. Umupo sya sa kanyang swivel chair. Inabala ang sarili sa pagpirma ng ilang mga papeles. Wala siyang balak na makipagtalo ngayon kay Dennis, nanghihina pa sya.

"Emerald! did you hear me?" nanggigil na naman si Dennis, napansin niya na binabalewala ni Emer ang presensiya niya.

Tumaas ang ulo ni Emer ng marinig niyang sumisigaw na naman si Dennis. "He's my friend, and besides wala kang karapatang diktahan ako kung sino ang mga taong dapat kong kausapin." naiinis na rin si Emer.

"Emer, I just want to remind you ang tungkol sa kasunduan natin." itinukod pa ni Dennis ang dalawang kamay sa executive table ni Emer para matitigan niya ito.

Umiiling si Emer bago nagsalita. "Dennis, you don't analyze what's happening right now. Ang gusto ng Mama mo ay maikasal tayo pero ayaw mo, ano pa ang silbi ng kasunduan natin?" 

'What do you want me to do?" naguguluhan din si Dennis ng mga oras na yun. Ayaw niyang pakasalan si Emer pero ayaw din niyang may lumalapit ditong ibang lalaki.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon