A.N.
Thank you po sa lahat sa pagsuporta sa Playful Heart :)
Please vote and leave your comments ^ ^
_____________________
Chapter 5
Nagtataka si Emer matapos niyang ma update ang balance ng kanyang account, nagdeposit pa rin ang kanyang Papa hindi nga lang ganun kalaki pero tamang tama para matugunan ang daily needs nya. Mula ng umalis sya sa poder ng mga magulang ay natuto na syang magtipid para makaipon sa plano niyang negosyo.
Pagkatapos ng transaction nya sa bangko ay diretso na sya sa bahay wala siyang ganang makipag sosoyalan sa mga kaibigan ngayon.
"Maam, may tumawag po kanina ang sabi mag return call daw po kayo sa kanya." salubong ng matandang katulong.
"Sinabi po ba ang pangala nya?" nagtatakang tanong ni Emer. Wala naman syang hinihintay na tawag.
"Hindi po maam, tinanong ko nga per hindi po ako sinagot basta ang sabi mag return call daw po kayo. Iniwan po sa akin ang number nya."
"Naku manang baka manloloko lang yun, huwag niyo ng pansinin." tuloy tuloy na naglakad si Emer papasok sa kabahayan.
"Hindi niyo po ba aalamin kung sino yun? Mukhang gwapo po ang ganda ng boses sa telepono." habol pa ng matanda sa kanya.
Napahawak sa batok si Emer. Minsan talaga may kakulitan ang matandang kasambahay nya. "Baka gusto lang makipag phone pal manang." biro niya dito
"Bahala ka ngang bata ka kung ayaw mong tawagan ulit, baka naman tumawag ulit yun. Pinagluto pala kita ng paborito mong merienda, gusto mo na bang kumain?"
Napangiti si Emer ng marinig ang sinabi ni Manang Salud, kanina pa nga siya nagugutom kaya lang marami siyang inasikaso. Pinaayos na rin niya ang dent ng kanyang kotse.
Tuwing naaalala niya ang antipatikong lalaking yun ay nag-iinit ang kanyang ulo. Yayain ba naman siyang makipag one night stand kapalit ng pagpapaayos ng kanyang kotse.
"O bakit nakasimangot ka diyan? hindi mo na ba paborito ang biko?" nag-aalalang tanong ni Manang Salud.
"May naalala lang po ako, syempre paborito ko pa rin yun. Magbibihis lang po ako tapos sabayan niyo na akong mag merienda." nakangiti siya sa matanda.
Natutuwa ang si Manang Salud sa ugali ng kanyang amo dahil kahit galing ito sa bueno familia ay napakabait nito sa mga katulad niya. Karamihan ay sinasabing maarte ang kanyang alaga hindi nila alam na napakabait nito.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.