Chapter 27 part 1
"Hija, where are you na?" kausap ngayon ni Divina sa kabilang linya si Emer.
Kinakabahan ang ginang dahil baka hindi darating si Emer sa dinner kung saan makikilala nito si Vincent.
"I'm on my way na po. In a few minutes nandiyan na po ako." napapailing na sabi ni Emer parang mas excited pa sa kanya ang ginang.
"Ok, ingat ka and see you soon." nakangiti pa ito habang binababa ang telepono. Hindi rin sya nakakasiguro kung darating ang anak ngayon pero ang mahalaga alam ni Dennis na darating si Vincent para makilala nito si Emer.
"Mama, talagang itinuloy ninyo ang kalokohang ito." bungad ni Dennis.
Nagulat ang ginang ng malingunan ang anak na bagong dating.
"Akala ko hindi ka namin makakasama tonight." lihim na nangingiti si Divina dahil parang epektibo ang kanyang plano.
"Mama, hwag naman ninyong gamitin si Emer with your own personal interest." buntong hininga ni Dennis.
"What are you talking about?" nagmamaang maangan na sabi ni Divina.
"Alam ninyo ang sinasabi ko. Ipapakilala ninyo sya kay Vincent even that she's my fiance, ano na lang ang iisipin ni Emer?" inis na hasik ni Dennis habang paroo't parito sa living room.
"Hijo, wala namang patutunguhan ang relasyon ninyo ni Emer kaya..."
Nanggigigl na tinadyakan ni Dennis ang mamahaling center table. Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ng ina. "Mama, hwag mo akong pangunahan sa mga desisyon ko!"
"Mas bagay kayo ng Michelle na yun, alam kong pahihirapan mo lang si Emer kapag kayo ang nagkatuluyan." hindi nito pinapansin ang pagmamaktol ng anak.
"At ang magaling kong pinsan ang karapat dapat sa kanya, yan ba ang gusto mong palabasin Mama?" Naiinis si Dennis dahil ang mga magulang mismo ay wala ng tiwala sa kanya.
"Responsible si Vincent and he respects women. Ang huli ko ngang balita ay hanggang ngayon ay nililigawan pa rin niya ang kanyang ex-girlfriend."
"See? he's still courting his ex then you'll introduce him to Emer. Ano yun panakip butas lang si Emer?"
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.