Chapter 48 part 1
Tuwang tuwa si Joan ng mapag-alaman na nagbalik na sa Pilipinas ang mga magulang ni Dennis, ito na ang hinihintay niyang pagkakataon. Agad agad niyang tinawagan ang kanyang sekretarya para humingi ng appointment sa mag-asawang Almonte.
"Siguraduhin mong within this week makakausap ko sina tita Divina at tito Frances. Tell them it's very important." mahigpit niyang bilin sa sekretary.
"Yes, ma'am." mabilis na tugon nito.
Ilang minuto lamang ay muling kumakatok na ang sekretary ni Joan sa kanyang opisina.
"What happened?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Ma'am you can see them tomorrow morning at 9:00 o'clock." mabilis na pagbibigay ng report ng sekretarya niya.
Napangiti si Joan ng marinig ang magandang balita.
Samantalang si Divina naman ay nagtataka kung bakit nagpipilit si Joan na makausap silang mag-asawa. Parang may nahihimigan siyang hindi maganda ang balitang sasabihin nito.
"Francis, bakit kaya nagpipilit itong si Joan na makausap tayo? Nasa Amerika pa lang tayo ay panay ang e-mail sa akin." naisatinig ni Divina sa asawa habang nagpapahinga sila sa master's bedroom.
"I don't have any idea, pero hwag mong kunsintihin kung anuman ang sasabihin sayo ni Joan. Baka gusto lang makipagbalikan sa anak na natin." kibit balikat na sabi ni Francis.
"Alam naman niyang may asawa na si Dennis at...."
"At hindi sila nagsasama ni Emer. Nalaman ko na iniwan pala ng magaling na lalaking yan si Emer ng magpunta sa Singapore." umiiling si Francis habang nagsasalita.
"He told me na magkasama sila." naguguluhan si Divina.
"Mas paniniwalaan ko ang tauhan ko kaysa sa anak natin. Walang kasama si Dennis ng magpunta sa Singapore dahil isang ticket lang ang pinareserve niya." mahahalata na ang inis sa boses ni Francis.
"Oh God! kawawa naman pala si Emer, bakit hindi niya tayo tinawagan par magsumbong?"
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.