Chapter 34 part 2
"Are you sure with this?" muling tanong ni Eliza kay Emer.
Noong isang araw pa sila pinasundo ng mga magulang ni Dennis para sa mansiyon na ng mga Monteverde sila mag stay hanggang sa araw ng kasal ng mga ito.
Kasalukuyang nag-aayos si Emer sa kwartong inilaan sa kanya ng pumasok ang kanyang ina. "Mama, I'm nervous." sabay buntong hininga niya.
"Hindi pa huli ang lahat, I can talk to the Monteverde's if you want." pumunta si Eliza sa likod ni Emer, nakaharap ang dalaga sa vanity mirror at kitang kita niya ang kaseryosohan ng hitsura ng ina.
"Mama, I love him." bulong ni Emer, hindi siya sigurado kung umabot sa pandinig ng ina ang sinabi.
"Ang hindi ko maintindihan kung bakit ganitong klaseng kasal lang ang ibibigay niya sayo. Kung malalaman ito ng Papa mo sigurado akong hindi niya mapapayagan ito." umiiling na sabi ni Eliza at hinila nito ang silya sa tabi ng anak.
Pareho silang nakaharap sa salamin at matamang tinititigan ni Eliza ang bunsong anak. Namalayan na lamang ni Emer na lumuluha ang kanyang Mama habang nakatingin sa kanya.
"Mama, don't cry. It's my wedding hindi ko funeral." biro nito sa ina sabay hilig sa balikat nito.
"Ang tigas ng ulo mong bata ka, manang mana ka sa Papa mo." reklamo ni Eliza habang pinupunasan ang luha.
"Ma, thank you for not telling Papa." humarap si Emer sa ina at ginagap nito ang mga kamay ng ginang.
"Ang hindi ko maintindihan Emerald kung bakit napakasimple ng kasal ninyo? ayaw niya bang mabawasan ang kayamanan nila? sana sinabi niya para kahit ako ang gumastos maging maayos lang ang lahat. Kapag nalaman ito ng mga kaibigan namin ng Papa mo kami ang lalabas na kahiya hiya." mahabang litanya ni Eliza sa anak.
"Mama, napag-usapan na natin di ba? May sakit ang Mama Divina kaya kailangang madaliin ang lahat. Sana maintindihan ninyo." pagpapaunawa ni Emer.
"I don't want to understand it, but I don't have any choice I need to support you. I think kaya gusto ni Dennis na walang makaalam sa kasal na ito para tuloy pa rin ang pagiging womanizer niya." nakaismid nitong sabi.
"Mama please.." nagmamakaawang sabi ni Emer.
"Ewan ko sayo but I heard na bumalik daw ang ex-girlfriend ng lalaking yun."
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.