Chapter 44 part 2
Sumunod si Dennis kay Nana Salud. Gusto niya ring makasiguro na ligtas na nakauwi si Eme sa rancho.
Bawat segundong lumilias ay hindi mapakali si Dennis. Naka ilang dial na si Nana Salud pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya.
"Sir, wala pong sumasagot." baling ng matanda kay Dennis.
"Mamaya ako na lang ang tatawag." sabay tayo nito sa kinauupuan.
Hindi pa nakakalayo si Dennis ng biglang tumunog ang telepono, nagmamadali niya itong dinampot at umaasang si Emer ang nasa kabilang linya.
"Dennis, ano itong balitang narinig ko?" may bahid ng galit ang tinig ni Divina sa kabilang linya.
"Mama, ano na naman yan?" kinakabahan si Dennis baka nalaman na ng mga magulang ang paghihiwalay nila ni Emer.
"I received a call from Joan and she told me nagkabalikan daw kayo. I wanna hear the truth from you." may awtoridad na ang boses nito.
"That's not true." mabilis na sagot ni Dennis.
"She also told me magkasama daw kayo sa Singapore. Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko sa inyong dalawa." mababakas ang frustration sa tinig ni Divina.
"Mama, hindi totoo ang sinasabi ni Joan, it was just a coincidence na pareho kaming nasa Singapore. I'm your son kaya dapat ako ang paniwalaan mo."
"Kung totoo ang sinasabi mo, I want to talk to your wife. Ipasa mo ang telepono sa kanya." utos ni Divina sa anak.
Natigilan si Dennis ng marinig ang sinabi ng ina. "Mama, wala si Emer ngayon dito. Umuwi muna siya ng San Simon may mga aasikasuhin lang sya sa rancho hanggang sa matapos ang kasal nina Gabriel at Athea." pagsisinungaling ni Dennis.
"Oo nga pala, sa next day na ang kasal nila. Hijo, alam kong pinilit ka lang namin na pakasalan si Emer pero sana try to work out your marriage kalimutan mo na si Joan. Pinagpalit ka niya sa naging asawa niya dahil natuklasan niyang mas mayaman sa atin ang pamilya nun. Nagagalit ako sa mga babaeng after sa pera." Mahabang pahayag ni Divina sa anak.
"Mama, don't worry hindi na ulit mabibilog ni Joan ang ulo ko." pagbibigay assurance ni Dennis sa ina.
"I'm happy to hear that and tell to your wife na tawagan niya ako may mga ipapakilala akong mga kliyente sa kanya." kapansin pansin na nagbago na ang timpla ng pananalita ni Divina. Naging masaya muli ito.
"Yes, Mama." ayaw ng pahabain pa ni Dennis ang pakikipag-usap sa ina kaya ito na ang nagpaalam matapos kumustahin ang kalusugan nito. Napag-alaman niyang bumubuti na ang lagay ng ina.
Napabuntong hininga si Dennis ng ibaba ang telepono. Napag-isipan niyang subukang tawagan muli si Emer. Laking pasasalamat niya na may sumagot sa kabilang linya.
"Good morning, can I talk to Emer?" magalang na bungad ni Dennis, alam niyang si Eliza ang nasa kabilang linya dahil agad niyang nabosesan ito.
"Dennis, ano ang kailangan mo sa anak ko?" pilit na pinipigilan ni Eliza ang galit na nararamdaman ng marinig ang boses ng manugang.
"Mama Eliza, please I want to talk to my wife." nagsusumamo ang boses ni Dennis.
"Para ano pa? tapos na ang lahat sa inyo, just wait fo your annulment papers then you can bed all the women that you want." sarkastikong pahayag ni Eliza.
"Once I receive the annulment paper I won't sign it." matigas na sabi ni Dennis.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.
"Mama, I can explain everything if you'll give me a chance." basag ni Dennis sa pananahimik ng biyenan.
Napag-isipan din ni Eliza na marinig ang side ni Dennis kaya agad itong nagdesisyon. "Pumunta ka dito sa rancho para makapag-usap tayo but don't expect na haharapin ka ni Emer."
Nakahinga ng maluwag si Dennis ng marinig ang sinabi ng biyenang babae. Akala niya ay ito ang pinkahuling taong makikinig sa kanya. "Yes Mama, bukas na bukas din darating ako diyan." mababakas sa tinig niya ang kasiyahan.
"Isa lang pakiusap ko Dennis, hwag mo akong tatawaging mama sa harapan ng asawa ko. Wala siyang alam sa mga kalokohang ito at ayokong malaman pa niya ito lalo na ngayong maghihiwalay na rin kayo ng anak ko." mahigpit na bilin ni Eliza kay Dennis.
"I will remember that." maikling sagot ni Dennis pero iba ang tumatakbo sa isip niya.
Basta ang alam ni Dennis sa ngayon ay hindi niya hahayaang maghiwalay sila ni Emer kahit bugbugin pa siya ng ama nito ay ipagtatapat niya ang totoo dito.
Napabuntong hininga si Eliza ng matapos makipag-usap kay Dennis. Biglang sumakit ang ulo niya, natatakot din siya na malaman ito ni Gerardo dahil kilala niya ang ugali ng asawa.
"Mama, something wrong?" nag-aalalang tanong ni Emily.
Hindi niya namalayang ang paglapit ng panganay anak. "Wala ito hija, masakit lang ang ulo ko." pilit na ngiti ang ibinigay niya dito.
"Pareho kayo ng sagot ni Emer sa akin, pinuntahan ko siya sa kwarto niya para sabihing parating si Toffer mamaya at nakita kong namumugto ang mga mata niya and I know she was crying. May nangyayari ba ditong hindi ko alam?" mula ng dumating si Emily from Canada nararamdaman niyang may problema ang kapatid, humahanap lamang siya ng magandang tiyempo para kausapin ito.
"Hija, nasaan ang papa mo?" balik tanong ni Eliza sa anak.
"May mga kausap na bagong investors sa office." balewalang sagot ni Emily.
"Emily, I have something to tell you but promise me that you won't tell it your father." seryosong pahayag ni Eliza.
Biglang na curious si Emily kaya lumipat ito sa tabi ng ina at hinanda ang sarili sa maririnig.
"Darating bukas ang asawa ni Emer." simula ni Eliza.
"What?!" napasigaw si Emily, talagang nagulat siya sa narinig. "Mama, paano nangyari yun? Kaya ba namumugto ang mga mata ni Emer dahil hindi ninyo maipagtapat kay papa ang totoo?" sunud-sunod na tanong ni Emily.
"Hindi dahil doon, hindi naging maganda ang relasyon nilang mag-asawa at gusto na ng kapatid mo na makipaghiwalay kahit mahal na mahal niya ang lalaking yun." paliwanang ni Eliza.
Napapikit si Emily, parang nararamdaman niya ang sakit na dinaranas ng kapatid ngayon. "Sabi ninyo darating bukas ang lalaking yun di ba?"
Tumango lamang si Eliza.
"Sayang wala pa naman ako bukas gusto ko rin sana siyang makausap." muling napabuntong hininga si Emily. Pero sinisurado ni Emily na hindi siya babalik sa Canada hanggang hindi nasa ayos ang kapatid at kung kinakailangan niyang isama ito ay gagawin niya.
__________________________
A.N.
Pasensiya na sa late UD, busy lang po ^___________^
Please don't forget to vote or leave your comments :)
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.