Chapter 41 part 1
"Ma'am pwede po ba kay sir Dennis?" alanganing sabi ni Nana Salud.
"Sino to?" mahahalata sa boses ni Joan ang pagkairita.
"Nana Salud, sino yang kausap ninyo?" tanong ni Emer habang pababa ng hagdan.
Mabilis na tinakpan ni Nana Salud ang mouth piece bago nagsalita "Si sir Dennis po tinatawagan ko, kaya lang babae ang sumagot." Sumbong ng matanda.
Napakunot ang noo ni Emer sa sinabi ng katiwala. May hinala na siya kung sino ang nasa kabilang linya.Kinuha ni Emer ang telepono kay Nana Salud para siya ang kumausap sa kabilang linya. "Can I talk to Dennis?" seryosong sabi ni Emer.
"Is this Emerald?" balik tanong ni Joan. Napapangiti siya dahil umaayon ang mga pangyayari sa plano niya.
"Yes, and I want to talk to my husband." Matigas ang tinig ni Emer.
"Sorry, your husband is sleeping. Masyadong siyang napagod kanina, hindi pa rin nagbabago si Dennis. He's still hot." Dinugtungan pa nito ng tawa.
Kung magkaharap lamang sila ng personal ng kausap ay baka nasampal na ito ni Emer. "I'm not asking about that because I know my husband's performance. Baka naman pwede mo ng ibigay ang telepono sa kanya." Pang-iinis ni Emer sa kausap.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? natutulog siya!." Malakas na sabi ni Joan, sabay pindot nito ng end call.
Naistorbo ang pagtulog ni Dennis ng may marinig siyang sumigaw. Agad niyang tinapuanan ng tingin si Joan na nakaupo sa gilid ng kama.
"Sinong kaaway? Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Dennis dito sabay bangon.
Nagulat si Joan ng marinig ang boses ni Dennis, hindi niya akalain na magigising ito. Mabuti na lamang ay hindi nakita ni Dennis na pinakialaman niya ang cellphone nito. Mabilis siyang nakapag-isip ng dahilan para hindi makahalata ang lalaki.
"Sorry, I had a nightmare." Pinalungkot ni Joan ang tinig.
Naawa si Dennis sa hitsura ni Joan ng mga oras na yun. Nilapitan niya ito at inalalayan para makahiga.
" I'm here, matulog ka ulit, it's just a dream." Pang-aalo ni Dennis.
"Thank you so much, kung wala ka hindi ko alam ang gagawin ko." tuluyan ng naglandasa ang mga luha sa pisngi ni Joan.
Mabilis na kinabig ito ni Dennis para pakalmahin ang babae.
Nang mag-angat ng mukha si Joan ay nagtama ang mga paningin nila ni Dennis. Mabilis ang mga naging kilos ni Joan, siya na ang unang humalik kay Dennis. Pinagbutihan niya ang ginagawa, naalala niya na noong sila pa ni Dennis ay hibang na hibang ito sa kanya lalo na sa katawan niya. Kaya sisiguruhin niyang may mangyayari sa kanila ngayong gabi at ngayon na rin ang simula ng pagbabalikan nilang dalawa.
Nang maramdaman ni Dennis ang malalambot na labi ni Joan ay halos mawala siya sa katinuaan, buti na lamang ay bigla niyang nakita sa imahinasyon ang malungkot na mukha ni Emer noong kinausap niya ito pagkatapos ng kasal.
Walang tugon mula kay Dennis kaya si Joan na rin ang kusang huminto sa ginagawa. "What's wrong with you? Hindi ka naman dating ganyan?" tanong nito kay Dennis
"This is wrong." Sabay iling ni Dennis, ngayon siya nagsisisi kung bakit pinatuloy niya pa si Joan sa suite niya.
"I know you still have feelings for me." Prangkang sabi ni Joan.
"Joan, I'm already married. Ayokong bigyan ng sama ng loob ang aking mga magulang especially my mom." Pagpapaintindi ni Dennis dito.
"I know the reason kung bakit pinakasalan mo ang babaeng yun. You don't love her because if you do sa kasama mo sya ngayon dito." Nagsisimula na naming mabasag ang boses ni Joan. Hindi siya susuko hanggang hindi bumabalik sa kanya si Dennis.
"Hindi ka rin nakakasigurado kung ikaw lang ang lalaki sa buhay ni Emer. Walang matinong babae ang papayag na iwanan ng asawa after the wedding." Patuloy na sabi ni Joan.
Ayaw na lamang makipagtalo ni Dennis kaya nagmamadali siyang nagbihis at dinampot ang sellphone na nasa bedside table. Iniwan niya ang babae sa kwarto ng walang anumang binitawan na salita.
Samantalang si Emer naman ay nanghihinang napa upo sa sofa sa living room. Agad naman siyang dinaluhan ni Nana Salud para alalayan.
"Sana hindi ko na lang ibinigay ang telepono sayo." Sinisisi ni Nana Salud ang sarili.
"Mabuti nga pong nalaman ko ang tungkol dun, para hindi ako parang tanga dito." Naluluhang sabi ni Emer.
"Hindi ko akalain na gagawin ng asawa mo yun, dahil ilang beses sa isang araw kung tawagan ako niyan para utusan lang na tumawag sa rancho at alamin kung ano ang ginagawa mo at kung kumakain ka bas a tamang oras." Pagkukwento ng matanda kay Emer.
"Talaga po?" wala namang sinasabi ang kanyang Mama na tumatawag si Nana Salud para kumustahin siya.
Mabilis na tango ang sagot ng matanda. "Mag-usap kayong mag-asawa, para maayos ang problema ninyo. Mas mainam kung hihintayin mo siya na makauwi." Parang nahuhuluaan na nito ang plano ni Emer ng mga sandaling yun.
Hirap ng makapagsalita si Emer, tanging hikbi na lamang ang naisagot niya kay Nana Salud. Parang pinipiga ang kanyang dibdib ng mga oras na yun. Ngayon mas lalo siyang naniniwala na tama nga ang kanyang desisyon na hiwalayan ito.
Si Dennis naman ay pumasok sa isang coffee shop para magpalipas ng oras, ayaw na niyang bumalik sa suite habang nandun pa si Joan. Inilabas niya sa bulsa ang cellphone, nakatulugan niya kanina ang paghihintay sa tawag ni Nana Salud. Hindi niya alam kung nakauwi na ba ang asawa.
Napakunot ang noo niya ng makita ang call logs, may sumagot sa tawag ni Nana Salud.
______________
A.N.
Maraming salamat sa paghihintay ng UD ^________^
Please vote and leave your comments :)
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.