Chapter 8

171K 1.9K 35
                                    

A.N.

Maraming salamat po sa lahat ng nag comments at nag vote sa previous chapters. I am hoping na magustuhan ninyo itong story nina Dennis at Emer.   ^ __^

Please vote and leave your comments :)

_______________________________

Chapter 8

Hindi sigurado si Emer kung totoo ngang makakarating si Dennis at habang hinihintay nya ito ay may bigla siyang naalala. Hindi pwedeng maglabas pasok ang lalaki sa pamamahay niya, ditto niya naisipan na dalhin ang kaibigan ng ate niya at walang dapat makaalam.

“Hi sweetheart!” bungad niDennis kay Emer.

Naitirik ni Emer ang mga mata, alam na alam na niya kung sino ang dumating. “Ano namang drama mo? Bakit dito ka magdidinner?”

“May mga dapat tayong pag-usapan.” Umupo si Dennis sa tapat ng kinauupuan ng dalaga.

“If it is about your proposal, I’m sorry Mr. Almonte hindi ko tinatanggap.”  Pinalungkot pa ni Emer ang boses.

“Dumating ang mga magulang ko kanina, and I told them na ipapakilala ka kita sa kanila bukas. Actually alam din nilang magkasama tayo ngayon.” Nakangiting sabi ni Dennis.

 

“What?! Hindi ako sasama sayo sa inyo.” nagulat si Emer sa sinabi nito.

 

“Okay fine, kami na lang ang pupunta dito bukas.” Mabilis na sagot ni Dennis

Napasabunot si Emer, pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa galit.

“Bakit ba sa dinami dami ng tao dito sa Metro Manila ikaw pa ang nakasagi ng sasakyan ko? Hindi ka na nagbayad ng damage ginugulo mo pa ako ngayon.” Sentimyento ni Emer.

“Akala mo ba gusto ko ito? I’m doing this for my mother; I want her to be happy.”  Paliwanag ni Dennis kay Emer.

“The if you want your mom to be happy, hwag mo akong idamay sa kalokohan mo!." halos panlakihan ng mga mata ni Emer ang binata.

"Nagugutom na ako, after the dinner I'll tell you everything." nauna ng tumayo si Dennis.

Hindi tuminag sa kinauupuan si Emer, naiinis siya sa sarili dahil pumapayag siya sa manipulation ni Dennis. 

 "Let's go, I'm hungry." nakapameywang pa si Dennis sa harap ni Emer. 

Halos hindi maipinta ang mukha ni Emer. "Kung makapagdemand ka akala mo kung sino ka, samantalang makikikain ka lang dito sa pamamahay ko." padabog itong tumayo at tinungo ang dining room. 

Nakangiti naman si Dennis na nakasunod dito, kahit nagagalit ang dalaga ay maganda pa rin ito. Hindi maipaliwanag ni Dennis ang nararamdaman tuwing kausap niya ang babae. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon