Chapter 18
Nagulat si Dennis ng malaman na pupunta si Emer sa San Simon, parang tama nga ang kanyang hinala sa dalaga na may kinalaman sa pagkawala ng asawa ng kanyang bestfriend. Kaya lingid sa kaalaman ni Emer ay matiyaga syang sinundan ni Dennis.
Tanghali na ng makarating sa mismong bayan ng San Simon si Emer. Halos ilang buwan na rin syang hindi nakakauwi dito mula ng magkatampuhan silang mag-ama.
Mahigit 30 minuto pa ang gugulin nya para marating ang Villa ng mga Salvador.
Binuksan nito ang bintana ng kanyang kotse at ninamnam ang sariwang hangin.
Tumigil muna sya sa gilid ng daan at inilibot ang paningin sa bukirin. Napapangiti si Emer sa tanawing nakikita nya, dito sya lumaki at nagkaisip kung hindi lamang sila nagkagalit na mag-ama baka katuwang sya ng mga itong nangangalaga ng rancho nila.
Hindi nya alam na may sumusunod sa kanyang sasakyan. Dadaanan muna nya ang dating yaya bago tumuloy sa Salvador Farm.
“Senyorita mabuti po nakabalik na kayo sa rancho.” Sabi ng matanda kay Emer.
“Yaya hindi po ako sa rancho tutuloy.”
“Huh? Saan ka tutuloy nyan. Hwag mong sabihin na maghohotel ka pa samantalang hinihintay ka ng kwarto mo sa mansion.”
“Sa mga Salvador po ako tutuloy.” Mapait na ngiti ni Emer.
“Alam mo ba ang nangyayari sa mga Salvador ngayon?”
“Kaya nga po ako nandito para tulungan sila.”
“Ang dami ngang nalulungkot sa nangyayari sa kanila. Napakabait naman ng pamilyang yun, hindi ko maintindihan kung bakit sila pa ang sinusubok.” Malungkot na tinig ng yaya ni Althea.
"Maaayos din po ang lahat." nakangiting sabi ni Emer at nagpaalam na sa kanyang yaya.
Ilang minuto na lamang ay nasa farm na sya.
Sinalubong si Emer ng mga magulang ni Althea. Mahigpit na yakap ang pinagkaloob dito ni Senyora Alicia.
“Kumusta ang Mama at Papa mo hija? Matagal na rin kaming hindi nagkikita kita?” nakangiting tanong ni Senyor Rafael.
“Okay naman po siguro sila.” Alanganing ngiti ni Emer sa mga ito.
“Don’t tell us na hindi ka man lang dumaan sa rancho ninyo.. una mong aabutan.” Bulalas ng Senyora
“Hindi pa po, maybe next time na lang po.” Malungkot na sabi ni Emer.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.